23

1199 Words

TULALA si Sassa habang naglalakad palayo sa fast-food restaurant na dati niyang pinagtatrabahuhan. Dapat ay hindi na siya gaanong masaktan pa. Dapat ay inasahan na niya ang pagpapatalsik sa kanya sa trabaho. Nanlumo siya dahil alam niyang mahihirapan na naman siyang maghanap ng trabaho. Baka hindi muna siya mag-e-enrol sa susunod na pasukan. Tatawid na sana siya nang bigla na lang may bumusina nang malakas. Napapitlag siya ngunit kaagad din siyang napangiti nang makita ang pamilyar na sasakyan ni Phillip.  Dumungaw ito sa bintana. “Get in,” nakangiting sabi nito. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, kaagad siyang sumakay. Kahit paano ay nabawasan ang lumbay na nararamdaman niya dahil nakita niya ito. Hindi pa rin nawawala sa kanya si Phillip. Mahal pa rin siya nito sa kabila ng lahat. N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD