22

1172 Words

HUMINGA nang malalim si Phillip bago niya binuksan ang study room ng lolo niya. Maaga siya nitong ipinatawag nang araw na iyon. Alam niya na hindi maganda ang mood ng kanyang lolo kaya kinakabahan siya nang labis. Natatakot siya sa mga maaaring ipagawa nito, sa mga maaaring gawin nito. Pagpasok niya ay kaagad na itinapon sa kanya ng lolo niya ang ilang pahayagan. Nabasa na niyang lahat ang mga iyon pagkagising niya kaya alam na niya kung bakit nagpupuyos ito sa galit. Namumula nang husto ang buong mukha at leeg nito. Maraming beses na niyang nakitang nagalit ang kanyang abuelo, ngunit ngayon lamang niya ito nakitang ganoon kagalit. Noon lamang siya totoong natakot dito. Sa kabila ng kanyang takot, nakaramdam din siya ng pag-aalala para dito. Hindi na bumabata ang kanyang lolo. Hypertens

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD