“THANKS, Cameron. I owe you one,” ani Phillip kay Cameron habang abala sina Damian at ang mga bata sa pagtingin sa bagong panganak na kabayo. Umiling ito. “You don’t owe me anything. We’re really expanding. Kailangan namin ng mga karagdagang tao sa kompanya. Kahit na hindi mo ako kinausap, talagang aalukin ko siya ng trabaho.” “Maraming salamat pa rin.” Alam niya na iniisip na ni Sassa ang gagawin kapag natapos na ang lahat ng kaguluhan kay Benito. Ayaw niyang isipin pa nito ang pag-alis sa Mahiwaga. Gusto niyang manatili ang mag-ina roon. Kapag naroon ang mga ito, masisiguro niya na magiging maayos ang kalagayan ng mga ito. Hindi na niya kailangang mag-alala. He knew Sassa needed more time. Tama ito sa pagsasabi na kahit paano nila paikutin, kahit paano siya magpaliwanag, kasal pa rin

