39

1276 Words

HINDI na masyadong tinatanong ni James si Benito nang mga sumunod na araw. Inabala ito nang husto ng mga tao sa villa. Hanggang maaari ay hindi na binabanggit ni Sassa ang anumang tungkol kay Benito. Halos araw-araw ay pumapasyal sila at nagswi-swimming. Halos nalibot na nilang mag-ina ang buong hacienda. Nakapag-camping na sila. Hindi na sila gaanong lumayo sa villa upang hindi gaanong mapagod si James. Sa pinakamalapit na camping ground lamang sila. Aliw na aliw na nag-ihaw ng marshmallow si James sa bonfire na ginawa ni Phillip. Habang nasa malaking tent ay nagkuwento ng tungkol sa mga masasamang engkanto si Phillip na nagpatili sa anak niya. Nagpayakap ito sa kanilang dalawa ni Phillip upang makatulog ito. Natatakot daw ito na baka kunin ito ng mga engkanto. Kahit na in-assure ito ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD