Chylee POV Huminga ako ng malalim saka siya tiningnang mabuti. "Sana sa susunod, huwag ka ng mang-aabala ng mga empleyado ko." He looked at me, seriously. "I won't do that again." Aniya. "Bakit mo nga pala ako gustong makausap? Tungkol saan?" Tanong ko. Inabala niya ako sa trabaho dahil gusto niya akong makausap. Ano ba ang dapat naming pag-usapan? Sa pagkaka-alam ko, isa na siya sa mga playboy ng SWU. Isa pa, hindi ko pa nalilimutan 'yung nakita ko sa may SWU gym no'ng magpunta ako doon. Iyong may kahalikan siyang babae. "About us?" Parang hindi pa siya sigurado sa sinasabi niya. "Walang us, Miko." Bumuntong-hininga ako saka tiningnan siya ng mataimtim. Umayos siya ng pagkakaupo. Narito lang naman kami sa loob ng kotse niya. Nakaparada dito sa parking space ng fastfood ko. "Hera..

