Chylee POV Ilang gabi akong nagmukmok. Pinag-isipan kong mabuti ang desisyong gagawin ko. Ayokong maging selfish, ayoko na ring masaktan. "Mom." Umupo ako sa kitchen stool. Nagluluto kasi si Mom ng lunch namin. Sunday ngayon, at family day. Ngumiti siya sa akin. The best mother on earth. "Yes, anak?" "Can I ask you a question?" Tanong ko. She turned off the stove then sit at the stool beside me. "Of course, anak. Ano 'yon? Hindi mo na kailangang tanungin kung pwede kang magtanong. You can talk to me anytime. I'm your mother. And you're still my baby girl." "Mom, dalaga na ako." "Talaga? Hindi na megaphone ang boses?" She's teasing me. And I love this side of her. "Mom naman, e." Ginulo niya ang buhok ko. "Dalaga na nga ang anak ko. Anong itatanong mo?" "Kasi po..." "Is it about

