Darcie's POV ~ "Ma'am Darcie! Nakita po namin may bago ng girlpren yung boypren mo, pinagpalit ka po ba?" tanong ng esdtudyante ko. Kaloka 'tong batang 'to ah, bungi bungi naman ang ngipin. Charot, cute naman 'tong si Tati, napakachismosa nga lang. "Nako, kayo talaga mga bata. Pero oo, ako ay pinagpalit pero 'di 'yon masakit." Ayun, kumanta na yung makukulit kong estudyante. Bahala na nga sila. "Nako, Ma'am Darcie, dapat iwasan mo ang pakikipagbiruan sa mga estudyante. Baka hindi ka na nila sineseryoso," sabi ng co-teacher ko. Nagkibit-balikat na lang ako. Gusto kong sakyan ang trip ng mga estudyante eh, para hindi sila ma-bad vibes sa 'kin. Pero ginagalang pa rin naman nila ako. "Ma'am Darcie, hinanap ka na naman ni Ma'am Lorraine sa 'kin kanina," sabi ng head teacher namin. Na

