“This is all your fault Darciela! Dapat sinabi na natin kaagad kay Lorraine!” Napataas ang isang kilay ko sa sinabi ni Gun habang nagmamaneho. Papunta kami ngayon sa probinsya. Nalaman agad ni Gun kung nasaan si Loreng sa loob lang ng limang minuto. Na-track niya ang phone ni Loreng eh. “Wow ha, ikaw kaya yung nakalimot diyan. Porke't lovey dovey na kayo ni Loreng, nalimutan mo na agad na mag pagpapanggap na naganap. Saka ano ba kasing ginawa mo kay Loreng at iniwan ka ulit? Baka naman kasi nambabae ka,” pag-aakusa ko sa kanya. Napakunot ang noo ni gago. “That's f*****g impossible Darcie, you know that,” sabi naman niya. Sabagay, mas posible pang pumuti ang uwak kaysa mambabae 'tong si Gun. Naalala ko tuloy yung supermodel na lumandi kay Gun dati, minsan kasi natambay ako sa office

