“Sinasabi ko sa 'yo Lorraine, pupunta talaga ako riyan sa inyo, susugurin ko si Darcie at mamamanhikan na kami.” Napailing na lang ako sa sinabi ni Kionn. Sinabi ko na sa kanya na nagpapanggap lang sina Darcie at Gun, pero hindi ko pa sinasabi na mahal talaga siya ni Darcie. Ayoko namang pangunahan ang babaeng 'yon kahit nagtatampo pa rin ako ng kaunti sa kanya. “Ang tanong, papayag ba si Darcie?” natatawang tanong ko. Siyempre papayag si Darcie, gusto ko lang talagang pahirapan ng kaunti si Kionn, pati na rin si Darcie, puro siya kalokohan. Naloloka ako sa pinagagawa niya, nila ni Gun. “Bahala na kung hindi siya pumayag, sapilitan na 'to,” sabi na lang niya. Natatawang napailing na lang ako. “Pero seryoso, pupunta ka talaga rito?” tanong ko. “Late na tanong mo, kanina pa 'ko nabyahe

