Darcie's POV ~ “Bakit biglaan ang pagpunta mo? Hindi mo ako inabisuhan,” sabi ni nanay habang nilalagay sa plato ang niluluto niyang pancake para sa 'kin. Naalala ko tuloy yung pancake na nilalagyan nina Loreng at Kishy ng ketchup, kadiri. Magiging gano'n kaya ako ka-weird kapag nabuntis ako ni Kionn---este kapag nabuntis ako? “Ate Darcie, may boyfriend ka na ba?” tanong ng kapatid kong si Daniel. Inirapan ko na lang siya. “Wala nga akong boyfriend eh, sa ganda kong 'to,” sabi ko na lang saka hinawi ang buhok ko. Si Kionn lang naman ang hinahanap ng aking puso. Wala akong pake sa ibang lalaki, huhu, napaka-faithful ko talaga. Ang swerte ni Kionn sa 'kin. “May nakatok, pagbuksan mo nga Darcie,” utos ni nanay habang naghuhugas ng plato. “Hoy Daniel, ikaw magbukas ng pinto,” utos ko s

