“A-ASAWA?” Naguguluhang ulit ni Almira sa sinabi ng lalaki. Taas-noong sumagot ulit ang lalaki. “Oo. Asawa!” Mariin nitong turan. “Ako si Jeric! Ako ang tunay na asawa ni Miguel na tinatawag mong Gabriel!” Napailing siya. “P-paanong naging asawa ka ni Gabriel? Isa kang lalaki…” “Tanga ka ba o sadyang nagbubulag-bulagan ka lang? Bakla ako at bakla din si Miguel! Mag-asawa kami kaya isaoli mo na siya sa akin! Akin siya, hindi siya sa’yo! Kabit!” Nalilitong tiningnan niya si Gabriel habang nangingilid ang luha sa mata niya. “G-gabriel…” Gusto niyang humingi dito ng kumpirmasyon kung may katotohanan ba ang sinasabi ni Jeric. Pero ano nga ba ang makukuha niya dito? Wala pa rin naman itong naaalala. Isang iling lang ang naisagot ni Gabriel sa kaniya. Mabilis nitong nilapitan

