s*x. Making love. Pakikipagtalik. Pagsisiping. Iyan ang nalaman ni Gabriel na ginagawa ng bagong kasal sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Alam niya ang bagay na iyon pero kinakabahan pa rin siya lalo na’t hindi siya sigurado kung paano iyon gawin bagaman at eron naman siyang ideya. Gaya nga ng sabi ni Almira ay normal ang bagay na iyon sa mag-asawa. Sa sinabi nitong iyon, kahit papaano ay nagkaroon siya ng lakas ng loob. “K-kung nais mo ay hindi kita pipigilan, Gabriel…” May halong kabang sagot ni Almira. Humarap ito sa kaniya at nakipagtitigan. Napalunok si Gabriel nang mapagmasdan ang magandang mukha ni Almira. Malapit na malapit ang mukha nila sa isa’t isa kaya kahit madilim ay nakikita niya pa rin ito. Kusang gumalaw ang isa niyang kamay para haplusin ito sa pisngi.

