NAGISING si Jeric isang umaga na para bang kinakapos siya ng hininga. Maayos naman siyang nakatulog pero tila pagod na pagod siya. Ano ba ito? Ngayon lang niya ito na-experience. Bumaba siya ng kama. Nagtungo sa kusina at uminom ng tubig. Kahit papaano ay lumuwag ang kaniyang pakiramdam. “Ano bang nangyayari sa akin?” tanong niya sa sarili. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng umuwi siya dito sa Pilipinas at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lead kung nasaan ba si Miguel. Noong isang araw ay kinausap niya ang magulang ng kaniyang asawa. Wala pa ring alam ang mga ito. Ngayon lang niya napagtanto na para silang naghahanap ng isang piraso ng karayom sa tambak ng mga dayami. Ang sabi nga ni Sasha, mahirap daw talagang mahanap ang taong ayaw magpakita. Napaisip tuloy s

