Kabanata XXI

1860 Words

                GULAT na gulat si Gabriel sa sinabi ni Ralph. Tama ba ang dinig niya? Gusto nitong makilala ang kaniyang asawa na si Almira? Sa totoo lang ay nabibigla siya sa mga nangyayari. Ang bilis lang na kakakilala lang niya kanina kay Ralph tapos ngayon ay inaakusahan siya nitong bakla dahil lang sa pakiramdam nito. Oo, tumatanggi siya na bakla siya pero ang hindi niya maunawaan ay may parte ng kaniyang pagkatao na parang nagdududa sa kaniyang sinasabi. Naguguluhan na siya. Gulung-g**o na ang utak niya dahil sa pagdating ni Ralph! “S-seryoso ka ba? Wala namang dahilan para makilala mo ang asawa ko,” ani Gabriel. Mahinang tumawa si Ralph. “I just want to meet her. Sige na. Siguro, sobrang ganda niya kaya ka niya napapayag na magpakasal sa kaniya. Wait, alam ba niya na bakla ka?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD