Kabanata XXII

1760 Words

                KINAILANGANG sumakay ni Jeric ng malaking bangka mula Atimonan, Quezon para makatawid siya sa isla ng Alabat. Naroon ang beach resort na nakita niya sa huling search history sa laptop ni Miguel. May kutob siya na doon ito nagpunta.  Takipsilim Beach Resort—iyon ang pangalan ng resort na maaaring pinuntahan ni Miguel sa naturang isla. Doon siya mag-uumpisa sa paghahanap dito. Kung hindi magagawan ng paraan ng mga pulis ang paghahanap sa kaniyang asawa, siya na mismo ang kikilos. Sa wakas ay narating na ni Jeric ang isla. Kakaunti lang ang dala niyang gamit. Ilang piraso lang ng pampalit na damit at ilang personal na gamit. Nanghiram na din siya ng sasakyan sa kakilala niya at iniwan niya iyon sa pier ng Atimonan. Pagkatapak niya sa buhangin sa isla ay may kung ano siyang ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD