“THERE you are… Diyan lang pala kayo nagtatago, ha!” Mahinang turan ni Maureen kahit wala siyang kausap habang nasa loob siya ng kaniyang sasakyan. Ilang dipa mula sa kaniyang kinaroroonan ay kitang-kita niya sina Almira at Gabriel sa harap ng isang hindi kalakihang bahay. May maliit na lamesa sa harapan ng dalawa. Sa tabi niyon ay may lutuan at nagluluto si Almira. Habang si Gabriel naman ang nagtutuhog ng niluluto ng kaibigan niya o mas tamang sabihin na dating kaibigan. Kahit malayo siya ay alam niyang banana cue ang niluluto at tinitinda ng mga ito. Umasim ang mukha ni Maureen. “Eww… banana cue!” Naging madali para sa kaniya ang paghahanap sa kinaroroonan ni Gabriel dahil na rin sa tulong ng tatanga-tanga na si Mando. Inaya niya lang ito na kumain. Ayaw nitong sabihi

