"Bakit mo ba ako pinigilan kanina? Edi sana nakalbo ko na nang tuluyan ang bruhang yun!" inis na sambit ni Ann nang makabalik na kaming pareho dito sa shop matapos ang naging sagutan at bantaan naming dalawa ni Tanya kanina.
"Ayoko ng eskandalo, Ann. Alam mo namang nasa public place tayo kanina. Nakakahiya," sagot ko naman saka prenteng nakaupo sa swivel chair ko dito sa loob ng maliit kong opisina habang nakaharap sa laptop at chinicheck kung may bagong email ba akong natanggap para sa mga investment at orders.
And as usual, medyo marami-rami na naman.
"Mas nakakahiya siya, Keish. Lalapit lang para bantaan ka? At talagang nagpa-imbestiga pa talaga siya sa'yo para lang makapanira? Para masira ka? Akala ko ba professional ang babaeng yun? Kung umasta kasi daig pa ang walang pinag-aralan. Parang hindi edukada," sabi naman niya saka naupo sa may sofa at busangot na pinagkrus ang mga braso niya sa tapat ng dibdib niya. "Iba talaga ang magagawa ng inggit at yamot. Nakakabilib."
Napabungtong hininga na lang ako bago in-off ang laptop ko matapos kong mareplyan ang ibang emails tungkol sa orders saka nangalumbabang tumingin sa kaniya.
"Nagtataka nga rin ako kung paano niya nalaman ang tungkol sa amin ni Tristyn. Siguro nga nagpa-imbestiga siya. Kaso hindi, eh." Tumayo ako at naglakad papunta sa may bintana ng office ko at tumingin sa labas habang nakakrus din ang mga braso. "Baka nasabi sa kaniya ni Tristyn nang hindi sinasadya, kaya niya nalaman."
"At bakit niya naman magagawang sabihin sa kapatid niyang impakta ang tungkol sa inyo? Kung alam niya na mapapahamak ka?" Tumayo siya saka lumapit sa akin. "Kung talagang mahal ka niya, at ayaw niyang mapahamak ka at magkagulo sa pagitan ninyong dalawang magkapatid, hindi niya gagawin yun. If he really loves you, he would keep his words to respect you and your decisions, Keish."
Napabungtong hininga ako. "Wala na tayong magagawa sa bagay na iyan. Nalaman na ni Tanya, and I know one of these days ay sasabihin niya na kay Ate ang namamagitan sa aming dalawa ni Tristyn." I bit my lower lip as I took another deep breath and walk towards the sofa.
Napahilamos ako sa sarili kong mukha gamit ang aking mga palad bago naupo sa sofa dahil sa frustrations.
Alam kong malaking kaguluhan ang mangyayari kapag nalaman ni Ate na may namamagitan sa amin ng fiancé niya. And not just a simple cheating, but we do intimate affair behind her back. We both warm each other's bed.
Sino bang hindi magpupuyos sa galit sa bagay na iyon? And the fact na kapatid mo pa ang gagawa ng bagay na iyon sa'yo.
"Kung sino man ang nagsabi sa kaniya ng bagay na yun ay mananagot siya sa akin," sabi ko saka binaling ulit ang paningin sa labas ng bintana. "Wala siyang karapatang ipagsabi lalo na kay Tanya ang tungkol sa aming dalawa ni Tristyn. At walang karapatan si Tanya na sabihin kay Ate ang totoo dahil ako lang. Ako lang ang may karapatang aminin sa kaniya ang lahat ng kasalanan ko at wala nang iba."
•
Gabi na nang makauwi ako sa bahay, hindi na ako nagpasundo pa kay Tristyn sa flower shop at nagpahatid sa bahay dahil alam kong hindi na maaari. Nakauwi na si Tanya at alam kong sa mga oras na ito, at sa bawat kilos ko ay may mga nakamanman. Hindi ko na hahayaan pa na may makuha pa silang ibidensiya laban sa akin.
Tama na ang nalaman nilang may namamagitan sa amin ni Tristyn.
Matapos kong maglinis ng katawan at magbihis ay nahiga na agad ako sa may kama ko. Sa mga nalaman ni Tanya, alam kong isa sa mga araw na ito ay sasabihin niya na kay Ate ang mga nalalaman niya. Hindi naman maipagkakailang malapit sila sa isa't isa. At mas lalong gusto ni Tanya na magkatuluyan ang kapatid niya at ang Ate ko, hindi ako.
Simula pa lang alam kong gustong-gusto niya na ang Ate ko para kay Tristyn dahil bukod sa magkasundo sila sa mga bagay-bagay katulad na lang ng pagmo-modeling at pagiging fashionista, matalik na rin silang magkaibigan. Highschool pa lang kami ni Ate, magkakaibigan na sila ni Tanya at ni Antonette. Kaso, kami lang ni Ann ang naging close sa isa't isa dahil bukod sa magkasundo kami sa flower arrangements at hilig namin ang bulaklak, ayaw niya rin masyado kay Tanya dahil masyado itong maarte, sopistikada at nakaka-intimidate naman talaga ang awra nito.
Takot ring masapawan si Tanya, kung kaya't ayaw na ayaw niyang makasama ako. Hindi ko nga alam kung bakit pero ang sabi-sabi, kapag nagkakatapat raw kaming dalawa ay nasasapawan ang ganda niya. Eh, sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako ganun kaganda para ikumpara sa kaniya. Our beauty were on a different level. Siguro nga kasi hindi siya nakukuntento kung anong meron siya. Gusto niya, siya na lang palagi ang bida at nakakaangat. Gusto niya, siya na lang palagi ang hahangaan ng tao — ng lahat.
Kaya siguro siya nagmodel sa ibang bansa dahil gusto niyang patunayan na may mas ibubuga siya kesa sa akin.
Which is wala naman akong pakialam.
It's just a waste of time to deal with her childish acts and insecurities.
At isa pa, minsan ko na rin kasi siyang natalo sa isang beauty pageant na naganap sa San Alfonso na isang probinsya kung saan kami nagfieldtrip dati, sinama kasi ako nun dahil isa akong school representative at isa ako sa mga nag-aayos ng venues na gaganapan ng program, eh, wrong timing kasi nagkasakit si Andrea na representative sana ng Business Administration department kaya ako ang sinalang dahil magkaparehas naman daw kami ng course pero magkaiba ang year, fourth year na kasi si Andrea at nasa third year pa lang ako nun at maliit lang din ang girls na kumuha ng course na Business Ads kaya ako na lang daw.
Yung iba kasi may iba't ibang gagawin na kaya no choice sila.
Ibig sabihin, kinuha lang nila ako dahil wala na silang choice.
At nung natalo ko si Tanya sa final question and answer, galit na galit siya sa akin nun. Nag walk out pa nga siya dahil sa nangyari. At isa rin yun sa mga dahilan kung bakit mas lalo siyang naiinis sa akin. Samantalang tuwang-tuwa si Ate nun nang manalo ako. Magkayear level sila ni Tanya at parehas ang course na kinuha nila, pero mas natutuwa siya nung ako ang nanalo.
Syempre, kapatid n'ya ako. At alam kong proud na proud siya sa akin. Hanggang ngayon. Samatalang si Tanya naman ay galit sa akin dahil sa mga insecurities niya at takot masapawan.
At ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko kapag sinabi niya ang totoo kay Ate kahit alam ko na hindi maniniwala agad si Ate sa kaniya dahil mas pinagkakatiwalaan niya ako. Kahit sabihin mang iisipin lang ni Ate na sinisiraan lang ako ni Tanya sa kaniya, alam kong yun din ang magiging dahilan upang magkalamat ang tiwala niya sa akin.
"Anak," nabalik ako bigla sa sarili mula sa malalim na pag-iisip ko nang marinig ang boses ni Mommy mula sa b****a ng pinto ng aking kwarto.
Napaupo agad ako sa gitna ng kama nang maglakad na agad siya papalapit sa akin. Umupo siya sa may tabi ko at tinitigan ako sa mga mata.
"B-bakit po 'Mmy?" hindi ko mapigilang mautal dahil sa kakaibang pagtitig niya ngayon sa akin.
"Tumawag si Tristyn kani-kanina lang. Pinapatanong kung galit ka pa rin daw ba sa kaniya. Hindi mo raw kasi sinasagot ang mga text n'ya at hindi ka rin niya macontact. May problema ba kayo?" Napa-kagat labi naman ako dahil sa sinabi ni Mommy.
Bakit niya ba sinabi yun kay Mommy? Hindi ba siya natatakot na baka mahalata kami? My Mom is a wise observant. At hindi na ako magtataka kung tatanungin niya na sa akin kung may something ba sa amin o wala dahil sa mga pinagagagawa niya.
"Wala naman po 'Mmy. Lowbat lang po yung phone ko, nakalimutan ko po kasing i-charge kanina kaya nawala na sa isip ko na tatawag si Tristyn—"
"Alam kong may something nang namamagitan sa inyong dalawa, anak." Putol niya sa litanya ko dahilan upang mapanganga ako ng literal sa harapan niya habang nagsisimula nang tumibok ng mabilis dahil sa kaba ang puso ko at hindi makapaniwalang nakatitig dito.
"P-po?"
Diyos ko, ito na nga po ba ang sinasabi ko.
"I am not blind, Keish. Alam kong may nararamdaman na kayo sa isa't isa at pinipigilan niyo lang yun dahil may masasaktan kayo—" she paused for a moment as she held my already cold hand lightly. "Ang kapatid mo."
Hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga oras na ito dahil sa mga sinabi niya. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig at biglang umurong na lang ang dila ko dahilan upang hindi ako agad makapagsalita.
Masyado na ba kaming halata?
Gosh!
Ang dami kong gusto sabihin, gusto kong magsorry pero ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko. Para akong napipe.
Anong gagawin ko?