Hindi ako makapagsalita habang nakatitig ngayon kay Mommy dahil sa gulat at pagkabigla. Napaawang na ang aking mga labi habang hindi makapaniwalang nakatitig ngayon sa mga mata niya. I couldn't even utter a single word to explain. Parang umurong yung dila ko dahilan para hindi ako makapagsalita at makapagpaliwanag.
Matagal niya na pa lang alam ang tungkol sa amin ni Tristyn. Pero bakit wala man lang siyang ginawa? Bakit hindi niya ako pinigilan? Bakit hindi niya ako kinausap agad nang malaman niyang iba na ang kinikilos naming dalawa ni Tristyn sa isa't isa? She must talk to me about it and advice me at least.
"W-why you didn't tell me?" Finally, after a couple of minutes for being silent because of shock, I already find my voice to speak. "Bakit hindi mo sinabing may alam ka na pala tungkol sa amin? Sa akin? Sa nararamdaman ko? Bakit hindi mo ako pinigilan?" dugtong ko pa dahilan upang hawakan niya ako sa magkabila kong balikat at bahagyang pinaharap sa kaniya habang nakatitig sa mga mata ko.
"Sa tingin mo kapag kinausap kita, kapag pinigilan kita sa nararamdaman mo para sa kaniya ay makikinig ka sa akin?" that made me shut and bit my lower lip. "Keish, I've been there. At alam ko na hindi madali ang pinagdadaanan mo sa mga oras na ito. Hindi pa huli ang lahat anak, may chance ka pang maayos ang lahat ng ito."
"Hindi ka po ba galit sa akin?" bagkus ay tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Hindi ka po ba disappointed sa ginawa ko?"
She smiled a bit as she touch my hair so tender. "As what I have said earlier, I've been there. Napagdaanan ko rin ang pinagdadaanan mo ngayon. Ang pinagkaiba lang, ay pinaglaban ko siya kahit na alam kong kamumuhian nila ako. Kaya wala akong karapatan na magalit o madisappoint sa iyo. Wala akong karapatan dahil naranasan ko rin yan at alam ko na napakahirap."
"Bakit 'Mmy? Nang-agaw rin po ba kayo?" tanong ko na ikinabuntong hininga naman niya.
"Hindi pang-aagaw ang magmahal sa parehong tao na minamahal ng kapatid o kaibigan mo. Hindi mo naman ginustong mahulog. Love is unpredictable, anak. We can't say that we will never fall in love with someone who already owned by someone, dahil tuso ang puso. Kahit sabihin mong hinding-hindi ka magmamahal sa taong may sabit na, kapag ang puso mo na ang tumibok, wala ka nang magagawa. All you have to do is to control your heart and emotions. Dahil kapag hindi mo nacontrol, ikaw pa rin ang kawawa."
"Sinabi mo po na naranasan mo na ang naranasan ko ngayon, what do you mean by that 'Mmy? Sa pagkakaalam ko wala ka naman pong kapatid na babae, at tanging kayo lang dalawa ni Tito Fred ang magkapatid," tanong ko na ikinangiti niya at umayos ng upo sa tabi ko.
Patagilid niya akong niyakap habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya.
"We were sister's not by blood but in heart, anak. She's my best friend. At boyfriend niya noon ang Daddy mo."
That made my jaw literally drop in surprise. "Si Tita Yonah?" I asked which she nodded. "But you both are now in good terms—"
"Because she accepted the fact that your Dad already love me and not her anymore. Because of acceptance, repentance and forgiveness, we are now in good terms," she answered which made me nod. "Hindi madali ang pinagdaanan namin bago kami bumalik sa dati. Maraming nasaktan, nawala, at maraming nadamay dahil sa galit at paghihiganti. But at the end of the day, marerealize mo pa rin na, dapat hindi mo na lang yun ginawa, dapat hindi ka na lang naghiganti, dapat hinayaan at tinanggap mo na lang kaysa ang makasakit pa ng ibang tao at marami ang madadamay. Minsan kasi, hindi natin iniisip ang mga bagay na magiging bunga ng mga gagawin dahil sa galit at paghihiganti na bumabalot sa ating puso at buong pagkatao.'
'Hindi natin iniisip na maraming madadamay kung yung galit ang paiiralin natin kaysa ang intindihin ang lahat at tanggapin ang katotohanan. Well, we can't blame them too, they were hurt and felt betrayed plus, truth really hurts. At mas masakit na tanggaping hindi ka pa pala sapat para manatili sa iyo ang isang tao. Hindi rin natin mabi-blame ang mga taong nasaktan natin dahil, from the first place ay may karapatan din naman talaga silang magalit sa atin at maghiganti. Yun nga lang, marami ang madadamay at marami din ang masasaktan dahil doon. Hindi lang ikaw na kinakagalitan niya na nagtraydor sa kaniya ang masasaktan kundi pati na ang mga tao sa paligid niya/natin. Everything has a consequence to face, and what we should have to do is to be brave to face it. Walang madali, biktima ka man o hindi. Parehas pa rin kayong masasaktan, yun nga lang, sa magkaibang paraan."
My tears unconsciously fell from my eyes while listening to her words. Tama si Mommy. Hindi tama ang magpakalayo ako at takasan ang problemang sinimulan ko. Pagbali-baliktarin man ang mundo, kahit magtago pa ako sa kasulok-sulukan ng mundo para takasan ito, alam kong malalaman at malalaman pa rin ni Ate ang totoo, masasaktan ko pa rin siya, mawawala pa rin ang tiwala niya sa akin, she will still felt betrayed and hurt, at gagawa rin ng paraan si Tristyn mahanap lang ako.
Kaya ang magagawa ko na lang ngayon ay ang maging malakas upang harapin ito. Upang harapin ang maaaring mangyari sa pagitan naming dalawa magkapatid. Kagagawan ko ito, ako ang may kasalanan. Ako ang nasa mali, kaya dapat lang na ako ang aayos nito kahit na, hindi na muling maibabalik ang nasira sa dati.
Haharapin ko ang galit at pagkamuhi niya sa akin. Kahit araw-araw akong magsorry ay gagawin ko, mapatawad niya lang ako. Kahit hindi ko ginusto ang mga nangyayari ngayon sa amin ni Tristyn, alam kong kusa kong ginawang magtraydor sa likod niya.
"Sa tingin mo Mmy, mapapatawad pa ako ni Ate? Kung aaminin kong may namamagitan sa aming dalawa ng fiancé niya?" I asked between my sobs which made her tightened her hug from me.
"Hindi ko alam anak, pero possibleng mangyari yun. Your sister loves you so much, alam kong kahit magalit siya sa ginawa mo ay may puwang pa rin sa puso niya ang pagmamahal para sa'yo," sagot niya na ikinatango ko na lang.
Ayokong umasa pero, sana nga 'Mmy, sana nga.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda dahil pupunta ako sa Cavite ngayon para sa flowers for Celine's wedding. Kami kasi ang incharge sa flowers na i-dedesign sa venue ng kasal at reception, kami rin at ang team ko ang naatasan sa decorations kung kaya't busy kami ngayon para sa preparations.
Bukod kasi sa pagbebenta ng fresh flowers ay may inclusions rin lalo na kapag gatherings, anniversaries, birthdays and weddings na katulad nito. Bukod sa binibili nilang flowers sa flower shop ko ay kami na rin mismo ang nagdedecorate sa venue kapag nag-insist ang client ko. As in kaming tatlo lang nina Ann at Mayie. Meron din naman kaming kasamang mga lalaki which is ang dalawang drivers namin na nagdedeliver ng flowers. Kung kaya't tulong-tulong kaming lima na maging maganda at worth it ang binayad nila para sa flowers and decors.
May wedding planner naman talaga si Celine, but she really insisted na kami raw ang magdecorate sa venue ng kasal, maliban sa reception dahil ang wedding planner na ang gagawa nun, at flowers lang ang amin doon kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Once in a lifetime rin naman ito at malapit rin sa akin si Celine kaya hindi na ako humindi. Celine is one of our batchmate in college na ngayon ay successful at magsisimula na ng kaniyang sariling pamilya. Close kami ni Celine pero hindi kasing close namin ni Ann na parang magkapatid na ang turing namin sa isa't isa.
Nakita kasi ni Celine yung dream wedding designs ko na dinrawing ko lang din gamit ang ibis paint at nagandahan siya kaya sinabi niya sa akin na dapat, ako raw ang magdesign ng wedding venue sa kasal niya. Akala ko joke lang yun pero tinotoo niya.
Sa simbahan ang napiling kasal nila kung kaya't hindi na kami mahihirapan sa pagdedecorate. Isang oras at apat na pu'tsiyam na minuto ang binyahe ko mula metro manila patungo sa San Roque Parish Church, ang isa sa malaking simbahan sa Cavite, medyo matraffic kasi. At pagkarating ko doon ay nandoon na silang apat na sina Ann, Mayie at ang dalawang driver namin. Nandoon na rin si Celine na nakawhite long sleeves, high waist maong shorts and flat sandals. Mas lalo yata siyang nagblooming ngayong ikakasal na siya. Bukas na kasi ang kasal, at ngayon kami magdedecorate.
"Keishana!" Masayang bati sa akin ni Celine nang makababa na ako sa kotse ko at naglalakad na ngayon palapit sa kanila na masayang nag-uusap.
"Hi, sorry kung late ako. Nagkatraffic kasi dahil may nagbanggaan kanina kaya hindi agad nakausad," paliwanag ko nang makalapit na ako sa kanila.
Lumapit naman siya sa akin para makapagbeso. "Ayos lang, ako naman ang nag-insist na kayo ang magdecorate kahit na flowers lang dapat ang bibilhin namin sa shop n'yo kaya wala kang dapat ipag-alala."
"So, ano? Tara na?" tanong ko na ikinatango naman nilang lahat kaya naman ay isa-isa na kaming nagbuhat ng mga bulaklak na gagamitin para bukas at mga decorations.
Si Ann at Mayie ang sa flower arrangements, ako naman sa design ng simbahan at si Celine naman sa mga gagamiting kulay ng tela at ang dalawang lalaki naman ang tagabuhat.
Habang busy kami sa pagdedecorate, ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko na nasa dala kong handbag. Kinuha ko kaagad ang phone ko sa may bag at tiningnan kung sino ang nasa caller ID.
Si Tristyn.
Hindi ko na alam kung pang-ilang miscalls na niya ito sa akin simula kahapon. Ang dami rin niyang text messages na hindi ko pa nabubuksan.
"Sagutin mo na," rinig kong sambit ng taong nasa likod ko at paglingon ko ay ang nakangiting si Celine agad ang bumungad sa akin. "Ang problema, dapat inaayos. Hindi binabalewala," dugtong niya pa sana niya ako tinapik sa balikat at umalis.
Napabuntong hininga naman ako bago sinagot ang tawag.
Siguro nga kailangan ko na siyang kausapin.