CHAPTER 5

1728 Words
"Ano na ngayon? Anong companya na ang lalapitan mo para ipagawa iyang dream house mo?" Usisa sa akin ni Madelyn. Nandito kami ngayon sa starbucks at nagpapalamig. Kakatapos lang namin mamili ng damit para sa welcome party ni Luna mamayang gabi at matapos ko ikwento sa kanila ang nangyari ay may ibat iba silang reaksyon. Magkatabi kami ni Luna at nasa harap naman namin sina Ashley at Mady. "Maghahanap nalang ulit ako." Kibit balikat ko. Nagulat ako nang hinampas ako ni Madelyn sa likod ng ubod ng lakas. Nasa harap ko siya at nag effort pa talaga siyang tumayo para gawin iyon. Napaubo pa ako. Sa tingin ko ay nalaglag ang baga ko sa ginawa niya, ang sakit ng hampas ng bruhang 'to. "Aray! Bakit ka ba nanghahampas ha?!" Galit na sinigawan ko siya. Kunot ang aking noo sa inis habang binibigyan si Madelyn ng masamang tingin. "Bobo oh. May engineer tayong kaibigan pero ayaw mong sa kanya kumunsulta." Inirapan niya ako. Inis pa rin ako sa ginawa niya pero pinalampas ko. Alam ko naman yun eh. Best friend ko si Luna at alam kong kahit fifty-percent na discount ang hingin ko ay papayag siya. Hindi kasi marunong tumanggi itong si Luna. "Nang iinsulto ata itong babaeng to. Mukhang walang tiwala sa kaibigan natin ah!" Sabi ni Ashley. Pinanlakihan ko sila ng mata. Napaka-OA. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kakayahan ni Luna, sa totoo nga ay isa siya sa pinag aagawang engineer ng mga companya. Graduate lang naman ang kaibigan ko bilang c*m laude sa ateneo. Hindi ko inaakalang magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon dahil noong nag senior highschool na kami ay sa ateneo na siya nagaaral. "Kung ano ano nalang ang iniisip niyo. Marami pang project na inaasikaso si Luna, dadagdag pa ba ako na hindi nangangalahati ang kayang ibayad sa kanya kesa sa ibang bigating kliyente niya?" "Mga palusot mo, Del Rosario!" Sigaw ni Madelyn. Tinapunan niya ako ng tissue na ginamit niya na at ang nakakainis doon ay nag landing iyon sa bibig ko. Agad ko itong tinangal at lukot ang mukhang napa ubo. "Pwe! Ang dugyot mo, Mady!" Nakakainis ang pesting to. Una hinampas ako tapos ngayong pinakain ako ng tissue! Tinawanan lang ako ng bruha. Pati si Luna na nananahimik ay tinawanan din ako. Wow. Galing, salamat guys ha. "So ano na guys? Anong plano natin mamaya?" Pagiiba ng topic ni Ashley. "Luna, marami bang foods?" Napangiwi ako sa sinabi niya. Minsan talaga napapaisip ako kung saan nilalagay ng babaeng 'to lahat ng kinakain niya eh. Pero noong nasa highschool naman kami ay mataba itong si Ashley. But mind you, hindi siya katulad ng ibang mataba na pabaya sa katawan. Kahit pagpawisan pa ng isang balde ang babaeng yan ay mabango pa rin siya. Himala nga at naisipan nitong mag diet pagtungtong sa college. Nagulat nga ako noong first time ko siya makita matapos ang ilang taon na sa chats lang kami nagkakausap. "Isa pa tong bobo eh!" Binatukan ni Madelyn si Ashley. "Malamang maraming pagkain! Party nga diba?!" "Ano ba! Bakit ka ba nanakit?!" Hindi naman nagpatalo si Ashley at binatukan din si Mady. Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni Luna. Minsan talaga may pagka amasona ang dalawang 'to. Pagkatapos naming magpalamig sa Starbucks ay doon kami sa apartment ko dumiretso. Against my will. Sa aming apat, ako lang ang mag isang namumuhay. At the age of 18 kasi ay lumayas ako sa amin. May pagka rebel ang ate niyo. Dahil hindi pwede sa bahay nila Luna dahil nagpe-prepare pa ang mga tao doon, at hindi din pwede sa bahay nila Ashley dahil ayaw niya, sa bahay naman nila Mady ay off limits din dahil maraming bata doon at sa sobrang kulit nila baka hindi kami matatapos sa pagaayos. Hindi naman kami mag aayos ng masyado dahil formal lang ang attire ng welcome party, at pagkatapos ng party ay may pool party pa pero kami kami lang magkakaibigan. Simple lang ang suot ko, yellow dress ang suot ko at walang kahit na anong print. Hapit ito sa bandang beywang ko kaya naman kitang kita ang curves ko. Nag sneakers din ako dahil siguradong hindi ako makakaupo mamaya sa sobrang busy. Ang buhok ko naman ay naka messy bun. No make up, just lip tint and powder. Pagkatapos naming lahat magbihis ay dumiretso kami sa van nila Luna na sumundo sa amin. Doon kaming lahat sa back seat at walang may gustong umopo sa passengers seat. Nasa unang back seat kami ni Luna at nasa likod naman namin ang dalawa. Lumingon ako kay Ashley para punahin siya. "Hindi ba naman over iyang get up mo?" Bukod kasi sa nakadress siya at sneakers, naka make up din ang bruha. Sa aming apat siya lang ang naka make up. Mukhang nakalimutan nito na hindi lang kami basta bastang bisita. "Wala akong pake." Napakunot ang noo ko at umiling. Hinayaan ko nalang tutal ay pinaghirapan niya iyang make up niya. Sinilip ko sa likod ng van kung nailagay ba namin doon ang mga pamalit namin. Napatango ako nang makitang nandoon ang bag naming apat. "Saan ka nga ulit galing?" Biglang tanong ko kay Luna nang marealise ko na hindi ko alam kung bakit may pa welcome party siya. "Ano?! Hindi mo alam?!" React ni Mady sa likod. "Anong klase ka ba naman?! Pupunta ka ng welcome party ng kaibigan natin pero hindi mo alam kung saan siya galing?!" Segunda ni Ashley. Sinamaan ko sila ng tingin at lumuhod sa upuan paharap sa kanila. "Ano bang pakealam niyo?! Eh wala nga akong ideya eh!" "Hindi ka man lang ba nagtaka noong tinawagan kita?" Tanong ni Luna. Inirapan ko sila bago sumagot. "Nakalimutan ko nang magtaka. May asungot na dumating eh." "Unbelievable." Umiiling na komento ni Mady. "Ulyanin talaga." Saad ni Ashley. "Kakauwi ko lang galing America noong isang lingo, sabi ko naman kasi sayo noon sa america ako pinag aral ni Tita eh." Sagot ni Luna sa tanong ko kanina. Dahil sa sinabi niya, may bigla akong naalala. "Pssst! Barry." Tawag ko sa lalaking nakaupo at nakatalikod sa akin. Busy ito sa pag pindot ng cellphone habang kung ano-ano ang pinagsasabi. "Oh?" Hindi lumilingon na sagot niya. Umopo ako sa harap niya at nilapit ang mukha sa screen ng cellphone niya para inisin siya. "Ano baaa! Victoria!" Tumatawang ginulo ko siya sa paglalaro niya sa pamamagitan ng pag pindot kahit saan sa screen ng cellphone. Natahimik kaming dalawa ng biglang may lumabas sa screen. "DEFEAT!" Tumawa ako ng malakas. "Nyahahahahaha!" Halos sumakit ang tiyan ko sa pagtawa dahil pangalawang beses na itong nangyari sa kanya dahil sa akin. Pano ba naman kasi, mula noong naghiwalay sila ni Luna ay puro ML nalang inaatupag. Nagka cellphone lang naging addict na sa larong yan. "Victoriaaa! Defeat na naman! Una noong tinawagan mo ako habang nagra-rank tapos ngayon ginulo mo ako! Anong susunod ha?!" Galit galitan niya. Nilabas ko ang dila ko at pinalaki ang mata. Nakatagilid ang ulo ko habang ganun parin ang hitsura na tinatawanan siya. Pati sa utak ko ay tumatawa ako, hindi ko kasi maiwasang matuwa kapag may naiinis sa akin o may naiinis ako. "Aargh! Ang creepy ng mukha mo! Panget!" Hindi ko pinansin ang pangiinsulto niya at inayos na ang hitsura ko. Lumapit ako sa kanya at bumulong ng sobrang hina habang ginagala ang mata sa paligid. Mag itatanong kasi ako sa kanya, at napaka importante nito at hindi dapat malaman ng kung sino. "Saan mag aaral sa senior high si Dominic?" Mahinang mahina na bulong ko. Lima kasi silang magkakaibigan, Si Shean Harold, Jigs, Dominic, Barry, at si JR. Sa kanilang lima, si Barry ang pinaka close ko kaya siya ang informat ko sa groupo nila. Sinamaan ako ng tingin ni Barry. Tinaas ko naman ang dalawang kamay ko habang nakangisi. Ang sarap asarin ng asungot na 'to. "Ewan ko sayo. Bahala kang maghirap kakatanong kung saan siya mag aaral." Sabi ng mokong at tumayo sa kanyang upuan at nakigulo sa mga kaklase naming lalaki. Inis at nakakunot ang noong sinundan ko siya ng tingin. Bumalik ako sa upuan ko na nakasimangot at sumubsob sa mesa. Psh. May araw ka rin sa akin, makikita mo. "Hoooy!" Napakurap ako ng biglang sumulpot sa harap ko ang mukha ni Mady. "Kinakausap ka ni Luna! Tulala ka diyan!" Sigaw niya sa harap ng mukha ko. Kumonot ang noo ko. Nakakainis ang babaeng 'to ah! Anong tingin niya sa akin? Tuta na pwede niyang sigaw sigawan?! Kahit kailan hindi ako pumayag na maliitin ng kung sinong poncho pilato! Huminga ako ng malalim. "Ang tagal na kasi mula noong sinabi mo yun. Nabusy din ako sa pagaaral at pagsusulat ng mga kwento kaya nawala sa isip ko." Sagot ko nalang kay Luna para matapos na. Tumango naman siya kaya tinulak ko ang pagmumukha ni Mady na hindi parin umaalis sa harap ko. Umayos ako ng upo at tumingin sa bintana. Ayoko na. Nawalan na ako ng ganang makipag kulitan sa kanila. "Aray! Ang harsh." Dinig kong bulalas ni Mady. "Ikaw kasi, sinigawan mo siya sa pagmumukha niya. Ayan, nainis tuloy." Sabi ni Luna. "Alam mo naman itong si Victoria, maliit pa sa kuto ang pasensya." Sabi ni Ashley. "Oo na. Tsk." Nanahimik ako hangang sa dumating kami sa bahay nila Luna. Bumaba kaming apat sa van at nagpasalamat sa driver nila. Pagpasok namin sa bahay ay may mga bisita nang dumating. Pagkakita nila kay Luna ay binati nila kaagad at pinagkaguluhan. Iniwanan na muna namin siyang tatlo para makapag catch up naman sila ng mga kapit bahay niya noon na kababata niya. Pumunta kami kung nasaan ang mama ni Luna para bumati ng magandang gabi. Dahil kilala naman kami ng mama ni Luna, ngumiti siya sa amin at sinabing hindi niya kami maaasikaso dahil maraming bisita. Nag offer kami ng tulong na siyang tinanggihan nito pero mapilit kaming tatlo kaya ngayon ay pabalik balik kami sa kusina para mag refill ng mga pagkain na nauubos. Ala sais nagsimula ang welcome party, nag organise ng maikling program ang mama ni Luna kaya pinatigil muna kami sa pagasikaso sa mga bisita dahil kasali kami sa program. Sa kalagitnaan ng program, may nahagip ang aking mga mata. Isang lalaking nakatalikod at may kausap. Kahit medyo malayo siya sa akin at dim ang lights, nakilala ko pa rin siya dahil memorize ko ang kabouan niya. Anong ginagawa ni Dominic dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD