CHAPTER 6

1348 Words
Dali dali kong hinagilap si Luna. Nakita ko siyang kausap si Riona na kababata niya. Walang hiya hiya na sumingit ako. "Hi. Sorry to interrupt you," singit ko. "Pwede ko bang hiramin muna itong si Luna?" Ngumiti naman ang mabait na kababata ni Luna. "Oo naman. Doon lang ako kela kuya Rey, Luna ah." Hinila ko kaagad si Luna pagkatapos niyang magpaalam. Dinala ko siya sa sulok kung saan hindi kami mapapansin. "Anong ginagawa ni Dominic dito?" tanong ko kaagad. "Ha?" Lutang na tanong niya. "Si Dominic, nandito. Invited ba siya?" Minsan talaga may pagka eng-eng itong si Luna. "Malamang. Pupunta ba yun dito kung hindi?" "Bakit siya invited?" Para akong bata na nag-aalboroto. Kulang nalang ay sabunutan ko siya. "Aba, ewan ko! Si Mama nga nag organise nito diba? Chillax ka nga lang diyan. Yung mata mo, nanlalalaki na naman." "Anong chillax? Sariwa pa rin sa isip ko ang nakakahiyang ginawa ko no! May pa chillax chillax ka pa diyan." Sasagot pa sana siya pero may batang lumapit sa amin kaya natahimik kaming dalawa. "Tita Luna, pinapapunta po kayo ni Lola sa stage." Napabuntong hininga nalang ako. Nakakahiya namang tanggihan ang mama ni Luna dahil lang sa walang kwentang dahilan. Nag abala pa naman ang ginang para sa araw na ito. "Ok baby. Halika kay Ate Vicky." Binuhat ko ang bata para mas mapadali kami papunta doon sa harap. Ang party ay ginanap sa malawak na garden ng kanilang bahay. Maraming magagandang bulaklak na nilagyan ng lights para mas mapaangat ang ganda ng garden. May mga lamesa din at upuan at sa harap ay may maliit na stage. Madali lang natapos ang programa. Nag alay siya ng tula para sa kaibigan na pinalakpakan naman ng marami. Sa buong durasyon ng performance niya, para siyang may stiff neck dahil hindi siya makalingon sa gawi ni Dominic. Noong tapos na ang programa at kumakain na ang mga bisita, naging rock na ang music na pinapatugtug. Hindi siya fan sa ganyan na music, naiingayan siya. Kumuha lang siya ng pagkain at pumunta sa loob ng bahay. Walang tao doon dahil lahat sila kumakain. Mahina lang ang music sa loob mula sa labas. Hindi alam ni Victoria kung nasaan na ang mga kaibigan dahil humiwalay kaagad siya sa mga ito. Nang tahimik na siyang kumakain sa maliit na mesa, may naramdaman siyang presensya sa kanyang likod. Laking gulat niya pag lingon dahil nandoon si Dominic sa sopa at nakaupo. Muntik na siyang malaglag mula sa upuan. Nabitawan niya ang kutsara at rinig na rinig ang kalansing nito pagtama sa plato. "Nandito ka pala." Biglang napatalikod si Victoria. Anong itutugon niya? Gusto niyang sabihing, obvious ba? Pero nahihiya siya. Bukod sa dahil naaalala niya ang kagagahan niya noon, nahihiya rin siya dahil sa inakto niya nung nag meeting sila. Pero mas nakakahiya kung hindi siya sasagot. Tumikhim siya. "Ah, maingay kasi doon." Wala siyang narinig na tugon kaya kinakabahang nagpatuloy siya sa pagkain. Isang minutong katahimikan, at si Victoria ay pinagpapawisan sa sobrang unease niya. Hindi niya magawang i-enjoy ang masarap na pagkain. Handa na sana siyang lumipat sa kusina pero naramdaman na naman niyang tumayo ito. "Victoria," Kinabahan siya. Hindi siya lumingon dito. "Oh?" Sandaling katahimikan. "We can still close the deal, you know." Napakunot ang kanyang noo. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. "Yung bahay na binabalak mong ipatayo. You can still ask for our company's assistant, just to inform you." "Ah. Hindi na. I decided na ako nalang ang gagalaw kesa bumayad pa ako ng mahal." "Ikaw ang bahala." Narinig niya ang mga yapak nito papalayo. Ganoon nalang iyon? Pagkatapos ng ilang taong hindi niya ito nakita, hanggang doon lang ang paguusapan nila? What? You're ridiculous Victoria! Sabi niya sa sarili. Anong akala niya, may dapat pa silang pag usapan ni Dominic? Kinakabahan nga siya at nahihiya dito eh! Hindi nga niya ito maharap, tapos gusto pa niyang marinig ang boses nito? Pero hindi niya kayang pigilan ang isinisigaw ng puso niya. Sabi nga nila, follow what your heart desires. "Bakit hindi mo kasama ang girlfriend mo?" Gustong batukan ni Victoria ang sarili. Sa lahat ba naman ng pwedeng itanong, iyon pa talaga? Ang brutal niya, gusto niyang sinasaktan ang sarili niya. Huhu. Ang shonga mo, Vicky! "Who? Lavander?" Ay tinanong pa talaga? Bakit may iba ka bang syota, ha? "She's in Paris right now." "Anong ginagawa niya doon?" This time, humarap na siya dito. "Fashion show." maikling sagot nito habang nakapamulsa. "Ahh." Ngayon niya lang napansin ang hitsura nito. Napaka manly nito sa suot na simpleng shorts at pink T-shirt. Naka sapatos din ito at nilagyan ng gel ang buhok. At malayo man ito sa kanya, alam niyang napaka bango nito. Palagi naman eh. Naalala niya noon, always neat and clean ang lalaking ito. Ang bango bango pa. Napaka arte nito sa gamit at katawan. Palaging may baon na panyo, dinaig pa siya. Nung minsang pinakialaman niya ang bag nito dahil nasa canteen ito kasama ng mga kaibigan, nakita niyang iilan lang ang notebook nito pero naka organize. Kumusta naman ang mga notebook at papel niya na tila nag wrestling sa loob ng bag niya? Mas maarte pa ito sa kanya. "If you don't want me to be your architect, just say it." Biglang bulalas nito. "H-ha?" Na loading siya, mga 2 seconds. "Alam kong iniiwasan mo ako, it's OK. Wala lang naman sa akin. I can always find a replacement you know?" he shrugged. Ouch. Wala lang raw sa kanya na iniiwasan niya ito. Savage. "Gaya ng sinabi ko, ako na ang mismong gagalaw para sa bahay ko." "Are you sure? Writer ka diba? Hassle lang yan sayo. Bago ka makapagsulat ng nobela, napagod ka na." Concern ba ito? Kikiligin na ba siya? Ay shonga. May gana pa siyang kiligin, ano siya highschooler? Pero kung makapagsalita ito aakalain mo talagang concern ito. Sus. Si Dominic? Concern? Kanino? Sa girlfriend nito pwede pa. "I can manage." Anong akala niya magpapadala siya? Neknek niya. "But I might consider it." Wala na. Nabubuang na naman siya. Namamalikmata na siya? Talaga bang sumigla ang mga mata nito? "OK. Call us then." Iyon lang at tumalikod na ito para umalis. Sinundan niya ito ng tingin. Nananaginip na naman siya ng gising. Hindi mangyayaring sisigla ito dahil sa kanya ano. Assuming lang talaga siya. "INDAAAAY!" sa ikalawang pagkakataon, muntik na naman siyang mahulog sa upuan. "Ashley! Be careful! Muntik ng malaglag si Victoria!" gulat na sita ni Madelyn. "Oops! Sorry, naexcite lang." Nandito na naman ang mga bruhang to. sabi niya sa isip. Hinarap niya ang mga ito. "Bakit ba bigla nalang kayong sumusulpot?" "Heeey, ano yun ha? Bakit kakalabas lang ni Dominic dito ha? Anong nangyari, ha?" Naasiwa siya sa pagmumukha ni Ashley na nagma-make face. Hinilamos niya ang palad sa mukha nito para tumigil. "Uy! Ang make up ko!" "Chef ka ba talaga ha? Maka asta ka parang tambay sa kanto eh!" "Ano ba kasing ginagawa niya dito?" umopo ito sa upuan katabi niya. Sumunod naman si Mady. "Nasaan na ba si Luna?" Kunwari ay sinisilip niya doon sa garden. Halatang umiiwas siya sa tanong. "Teka, hahanapin ko." Maliksi siyang tumayo at tumakbo palabas ng bahay. Natatawa siya sa sarili niya dahil palagi niyang natatakasan ang mga ito. "Hoy! Bumalik ka dito!" Hinihingal na huminto siya sa gate para magpahinga. Para siyang bata kanina na naglalaro, naka dress pa naman siya! Para talaga siyang tanga. Sana lang ay walang nakakita sa kanya, kundi ay nakakahiya iyon! Wala pa naman siyang balak umuwi, umopo muna siya sa may maindoor para doon mag muni muni. Hindi pa nagiinit ang pwet niya doon ay may narinig siyang kaluskus. Nanindig ang kanyang balahibo. "Hala ka, ano yun?" Tumayo siya para mang usisa. pag pasok mo kasi sa gate ng bahay nila Luna, may maliit silang garden. Mahilig sa halaman ang pamilya nila Luna kaya maraming klase ng bulaklak ang makikita dito. Sumilip siya sa gilid ng bahay. Madilim sa gawing iyon at sa bandang doon niya narinig ang kaluskus. Hindi inaasahan ni Victoria ang makikita, may dalawang taong naglalampungan doon! Nge! sabi niya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD