CHAPTER 7

1167 Words
"Dahil Valentine's Day ngayon, may inihandang activity ang SSG Officers para sa hapong ito." anunsyo ng Grade 10 Representative. Akala nila ay walang magiging activities sa araw na ito dahil kaninang umaga ay nagka-klase sila. Sa hapon pala ang activities. "Gumupit kayo ng heart sa kahit anong papel, kayo ang bahala kung ilan ang gagawin niyo. Pagkatapos ay ibigay niyo ito sa taong mahal niyo, kaibigan ba iyan o ka-ibigan." Naghiyawan ang mga kaklase niya at nagsimula na naman ang tuksuhan. Parang mga tanga, nagbabatuhan pa ng crumpled paper. Humarap siya kay Luna na katabi niya. "Luna, may construction paper ka diyan?" Simpleng papel lang sana ang gugupitin niya, pero hindi naman simpleng tao ang bibigyan niya. Si Dominic lang naman ang bibigyan niya, kaya dapat ay maganda ang gawa niya. "Meron. Anong kulay ba?" "Pula, kayumanggi, at berde." Napangiti siya. Itong si Luna kasi ay drafting ang kinuhang major sa TLE, mahilig kasi ito sa arts at mula sa mama at papa nito, hangang sa kanilang magkakapatid ay magaling mag drawing. May naisip na mas magandang ibibigay si Victoria. Dahil maalam naman siya sa origami, ginawa niyang rose ang pulang papel at binalot ng kayumangging papel ang stick na nakuha niya. Dinikit niya sa stick ang rose. Gumupit din siya ng pormang dahon sa berdeng papel. Hinalungkat niya sa loob ng kanyang bag ang mga sobre na palagi niyang dala, may kasama din itong card kaya doon niya nilagay ang maliit na tulang ginawa niya. Ang sobre ay kulay pink at may cute na designs na mga bulaklak. Ang card ay simpleng kulay pink lang. Pagkatapos niyang isilid sa sobre ang card, kinuha niya ang pabango at inispray ito sa card at origami. Napansin siya ni Ashley. "Uy ano yan? Para kanino yan?" Inirapan niya ito. "Wala ka na dun!" Nahihiya kasi siya. Hindi pa niya alam kung paano ibibigay itong rosas at sobre kay Dominic. Pero hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may gusto siya dito, sa totoo nga ay parang binabakuran na niya ito sa simula pa lang. Natawa siya sa sarili. Mula kasi noong inanunsyo niya na may gusto siya kay Dominic, wala ng kahit sinong nagkagusto dito sa mga kaklase nilang babae. Bukod sa napakamaldita niya, takot din ang mga ito sa kanya. "Paano ko ba ito ibibigay?" kausap niya sa sarili. Lumingon siya sa gawi ni Dominic. Ang upuan nito ay nasa gilid ng bintana pero sa labas nito ay hallway. Nakita niya na kasama nito si Barry. "Psst! Barry!" Lumingon naman ang lalaki. Sinenyasan niya itong lumapit. Sumunod naman ito. "Bakit?" "Pasuyo naman oh," nagpapacute na sabi niya. Plano niyang ito ang uutusan na ibigay ang sobre at rosas kay Dominic. "Ano ba yun?" Nagtatakang tanong nito. Pinakita niya ang sobre at rosas. "Naks! Kay Victoria lang malakas!" Tumawa kaagad ito pagkakita ng ginawa niya. "Oh, anong gagawin ko diyan? Ako magbibigay sa kanya?" "Oo, sana." pacute pa rin na sagot niya. "Nge! Ikaw nalang no! Huwag kang mag aalala, tatanggapin niya yan!" Napasimagot siya. "Natatakot ako eh. Baka itapon niya lang..." First time niya itong gagawin, at kinakabahan na natatakot siya. Maraming what if sa isip niya, at mas lalong nagpalala sa kaba niya ang poker face na si Dominic. Na pressure siya bigla. "Hindi yan! Pagsasabihan ko. Sige na! Iche-cheer kita." Pinagtulakan siya nito papunta kay Dominic. Wala namang magawa si Victoria kundi magpadala dahil nanginginig siya sa kaba. Huli na rin para umatras, napansin na siya ni Dominic. Ang mga kaklase niya naman ang napatingin sa kanyang eksena. Hindi na niya pinansin ang mga ito at nanginginig na inabot kay Dominic ang rosas at sobre. "P-para sayo." mahinang sambit niya. Tumango ito, sinenyas ang mesa na tila sinasabing doon ilagay. Pero sa kadahilanang kabado siya at wala sa tamang pag iisip, hindi niya naintindihan ang pahiwatig nito. Nanatiling inaabot niya dito ang rosas at sobre. Mukhang nahalata nito ang sitwasyon, inabot nito ang kamay at naramdaman niyang nagkadikit ang kanilang mga balat. Nahigit niya ang hininga, nahawakan siya nito sa kamay! Oh my god! "S-salamat!" bulalas niya at dali daling bumalik sa kanyang upuan. Hindi namalayan ni Victoria na naghihiyawan pala ang kanyang mga kaklase. Ang kanyang pansin ay nakatuon lamang sa mukha ni Dominic, kaya naman pag upo niya at nakahinga na siya ng maluwag ay doon lang niya napansin ang malakas na hiyawan ng mga kaklase. "YOU guys won't believe what I saw!" sabi ni Victoria pagkakita niya sa mga kaibigan. Dali dali kasi siyang pumasok sa bahay at nadatnan niyang nandoon pa rin sina Ashley at Madelyn, kasama na ng mga ito si Luna. "Oh? Akala ko umalis ka?" takang tanong ni Luna. "What? Sinong nag sabi?" umopo siya sa harap ng mga ito. "Nandoon lang ako sa labas, nagpapahangin." Ninguso nito ang magkatabing sina Ashley at Mady. Kunot noo lang ang sinagot niya. "As I was saying, hindi kayo maniniwala sa nakita ko!" "Ano bang nakita mo?" si Mady. Umusog siya paharap at nag lean forward, "It's Jigs and a woman, making out outside the house." bulong niya. Nag form ng 'o' ang bibig ng tatlo. Tumango tango naman siya na tila nangungumbinsi. It's chismosa mode on! Sa totoo lang hindi naman sila chismosa, well, slight lang! Pagkatapos ng chismisan nila, na umabot pa ng ilang oras, bumalik sila sa garden. Hindi nila napansin na wala na palang bisita, hindi kasi pinatay ang tugtug kaya hindi halata. Plano pa sana nilang magbabad sa pool area pero pagod na silang apat kaya umuwi nalang sila matapos mag paalam sa mama ni Luna. Hinatid sila nito gamit ang van. Humilata kaagad siya sa kama pagdating sa tinutuluyang apartment. Napagod talaga siya sa mga pinag gagawa nila sa araw na ito. Dumagdag pa iyong pag uusap nila kanina ni Dominic. Hindi niya aakalaing makakausap niya ito ng maayos. Noon ay kontento na siya sa pagtanaw dito, minsan naman ay hindi niya matiis na mag message dito ngunit hindi naman pinapansin nito. Naalala niya ang huling message niya noon sa binata, hindi niya inaasahang mapapansin nito ang message niya dahil nasanay naman na siya sa pangde-dedma nito, at iyon ang una at huling pag pansin nito sa message niya dahil binlock siya nito sa messenger. Nakulitan siguro, isa pa ay hindi rin nito naintindihan ang mensahe niya. Naisip niya kasing daanin sa morse code ang mensahe niya para hindi nito maintindihan, medyo nakakahiya din kasi ang pinagsasabi niya. ../.-.. .. .-. ./-.-- --- ..- Sinong hindi maiirita kung may nag message sayo pero hindi mo naman maintindihan ang mensahe? Dahil mahilig siya mag basa at mag research, natutunan niya ang code na iyan. Speaking of the devil, matawagan nga ang companyang Turner para magpa set uli ng meeting. "Let me just confirm it, 8 am, tomorrow, at Read and Sip Cafe? OK, thanks." Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay napalingon siya sa kanyang laptop na nasa ibabaw ng study table. Tumingin siya sa wall clock, alas dyes na ng gabi. Oras na para mag sulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD