Maganda at relaxing ang lugar. May mahinang music na pinapatugtug na nagpadagdag sa relaxing ambiance.
Ang kulay ng walls ay katulad ng brown coffee. May white na kulay sa itaas ng pader. May mga painting din na aethestic ang dating na nakadikit sa wall. Ang books naman ay makikita mo kahit saan. May roong books na aakalain mong painting dahil sa pagkaka-arange nito, bookshelve din ang ginawang counter, every table ay tila bookshelves din dahil ang nagsusuporta sa mesa ay bookshelves.
All in all, this place is heaven for those book lovers.
Hindi lang din mga kape ang binibenta dito, may mga desserts din. At kung may gusto kayong bilhin na libro, pwede niyong pagusapan ng manager.
Victoria arrived ten minutes early at the place. Nilibot niya ang paningin sa lugar. She's expecting to see Ms. Jen, the one who accommodate her in their first meeting, pero iba ang nakita niya.
Huminga siya ng malalim. Lumapit siya sa table na nasa gitna.
"Kanina pa ba kayo?"
Napatingala ang dalawa at sabay na tumayo. "Ms. Del Rosario," bati ni Lavander.
"No, kararating lang namin." si Dominic.
Tumango siya. "I thought si Ms. Jen ang kameeting ko." She said to no one in particular. "Anyway, let's get this over with."
Madali lang natapos ang meeting, kaunting briefing lang at discussion, may mga papers din siyang pinermahan. Natapos sila mga ala una na at dahil mahaba pa naman ang araw she suggested na bisitahin na nila ang lupa na matagal na niyang nabili.
The two agreed, syempre ay sinigurado niyang bakante ang oras ng dalawa bago sila lumarga. All throughout their conversation, Victoria acted like professional. Hindi pwedeng mapahiya na naman siya sa ikalawang pagkakataon.
Walang dalang sasakyan si Victoria, gusto niyang mag selos dahil halatang sinundo nitong si Dominic ang kasintahan. Psh, umirap siya ng palihim. Selos selos, bakit may karapatan ba siya?
At bakit niya ba nararamdaman ang selos na iyan? Ilang taon na din mula noong high school pa sila. Bente sinco na siya ngayon, matanda na at malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad!
Pero hindi naman siya nagmamadali ano. Kumbaga, chillax lang.
Mabuti at nagmagandang loob ang dalawa na isabay na siya, hindi naman siya tumanggi. Actually, itong si Dominic lang talaga ang nag alok sa kanya. Si Lavander ay mukhang napipilitan lang.
At dahil makapal ang mukha niya at wala siyang ni katiting na hiya sa katawan, pumayag siya. At ngayon ay binabaybay nila ang kahabaan ng EDSA patungo sa isang exclusive subdivision.
Malaki rin kasi ang naipon niyang pera. Sa anim na taon ba naman niyang pamumuhay mag isa ay hindi siya makakaipon? Isa pa, medyo marami na din siyang naipublish na libro.
Ah, muntik na niyang makalimutan. May book signing pala siya sa Davao next week!
Ilang oras din silang na stuck sa traffic bago tuloy tuloy na nag byahe. Medyo malayo pa naman ang village na konaroroonan ng lupa.
Pag pasok nila sa GreenHills Village, tinuro kaagad niya ang tamang direksyon papunta sa lupa niya.
"Iliko mo lang diyaan sa kanto, tapos straight lang tayo, and then doon sa right naman tayo, straight lang. Makikita din kaagad natin ang lupa."
Bumaba kaagad siya sa sasakyan para ipagmalaki ang lupa. "Three Hundred square meters ito." ani Victoria. "Gaya ng napag usapan natin kanina, ang floor area lang ng bahay ay 50 square meters, and the rest is for the pool and mini garden."
Just talking about her dream house makes her excited. Malaki at maaliwalas ang ngiti niya. She knows that the floor area is too small, but she doesn't want a big house. Gusto niya lang ng bahay na mauuwuian niya.
She's planning to build a tiny house with a pool! How cool is that? Besides, napasulyap siya kay Dominic na pinagaaralan ang paligid, matagal na niyang naiisip na tatanda siyang dalaga.
Sa ilang taon ba namang walang nanligaw sa kanya ni isa, aasa pa kaya siyang magka pamilya?
She always wondered what's wrong with her. She's beautiful in her own ways, but no one noticed it! Even the man she loves. Hay buhay!
"Maganda itong lugar na napili mo," ani Dominic. "everywhere you look, there is nature. You really love nature, huh?"
Napangiti siya. She suddenly felt special because he knows she admires the nature. Although hindi niya alam kung paano nito nalaman but does it matter?
"Yap." she answered. "Back then sa province, halos mapuno na ng halaman ang paligid ng bahay namin. You can even find vegetables in our garden!" pagbabalik tanaw niya.
Indeed, nagmumukha na ngang green house ang bahay nila dahil kahit sa loob ay may halaman.
Lavander noticed the exchanges of smiles, napasimagot ito. Hindi nalang niya pinansin ang babae at tinignan si Dominic na naglakad para obserbahan ang paligid.
"Maganda nga ang lugar, malayo naman sa city. How inconvenient. Well, what do I expect from a..." Napalingon siya dito. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "probinsyana. Oh, no offence." ani Lavander.
Napasimagot siya. "I don't see the reason why this place is inconvenient. I'm a writer, the polluted air and noise in the city won't help me with my career."
Hindi siya papayag na laitin o maliitin ng babaeng ito ang mga desisyon niya. "And Ms. Hermosa, may I remind you that your an engineer, not my basher, or are you both?" Hindi sumagot ang babae.
"Sinasabi mong no offence? None taken! But repeat this again and I will report you to the CEO and make him pull you out of your position." she warned her.
Hindi porket kasintahan ito ni Dominic ay akala mo kung sino na ito umasta. The woman might notice that she like Dominic and take her as a threat. Inalala niyang mabuti kung nagpakita pa siya ng motibo sa lalake habang nasa paligid ang kasintahan nito, and she doesn't remember any.
Isa pa ay may gana pa itong laitin siya. Baka nakakalimutan nitong ang hawak nitong project ay sa kanya.
Pinanood niya ang reaksyon nito. Her face turned red, halatang halata dahil maputi ito.
"Is that a threat?" Hermosa bared her teeth.
Umiling iling siya habang nakangiti. "Nope!"
She decided to go after Dominic. Ayaw niyang maiwan kasama si Lavander na parang may personal issue sa kanya. Talk about professionalism?
Ngunit may pahabol pa ang babae. "I can always back out in this project, just to inform you."
"Oh, no problem. That would make me happy. Ms. Jen could assign a better engineer!" baton niya.
"Well, for your information, Dominic and I were the best tandem when it comes to business. You won't find better engineer that can keep up with Dominic's ideas than me." Hermosa proudly announced.
Ngumiti siya. That would not be a problem. Naalala niya si Luna. Engineer rin ito at naging magka-klase sila ni Dominic noon sa Drafting. And the two were kinda close. It's understandable, Luna is so talkative and friendly.
"I hate to bust your bubbles, but I have a friend who graduated in Civil Engineering and she's the Magna Comlaude. I'm sure Dominic knows her well. Right, architect?"
Dominic approached them. Natapos na nito ang pag oobserba at binalikan ang dalawang babaeng tila nagkakainitan na.
"What?" he asked, confuse.
Victoria glanced at Hermosa's epic facial expression. "Luna?" she answered.
Nagliwanag ang mukha ni Dominic. "Oh! She's a good acquaintance of mine. Since highschool. What about her?"
"Nothing!"
Nagulat silang dalawa kay Lavander na tumaas ang boses. Lihim siyang natawa.
"I just really love to brag about my friends and their achievements." ngiting paliwanag niya.
Naging enteresado naman bigla ang lalake. "You two are still friends? Wow, didn't expect that."
"Me neither!"
Patuloy na nag uusap sina Victoria at Dominic habang hinahatid siya nito pauwi sa tinutuluyang apartment, leaving Ms. Lavander Hermosa, the girlfriend, sit in silence.