CHAPTER 9

1122 Words
Beep! Beep! Nagising si Victoria sa alarm clock sa cellphone niya. Pagtingin niya sa oras, ala sinco pa. Maaga sinet ang alarm niya ngayon dahil ang araw na ito ay ang pag alis niya patungong Davao para sa book signing. Isang linggo rin siyang mamalagi doon. Dahil sa malayo naman ang pupuntahan niya, she decided to have a vacation also! Excited siya dahil malapit lang ang probinsya nila sa Davao. Mga two to three hours siguro ang layo. Pero wala naman siyang balak umuwi sa kanila. It's been so long since she last saw her family's faces. She cut all her connections with them, she even deleted all her social media account. Come to think of it, bakit nga ba siya nag layas sa kanila? The reason is still so clear in her mind, but she choose to ignore it. Naputol ang pag mumuni niya ng makarinig ng katok. Tumayo siya mula sa pagkakahiga para usisahin kung sino itong sobrang agang bumibisita sa kanya. Could it be Luna? No. She's not a morning person. Ashley? Hindi pa sumisikat ang araw nakatambay na ito sa restaurant nito. Madelyn? As far as she knows, duty nito ngayon. So, who could this be? Maybe her land lady. Ito lang naman ang may ganang bulabugin siya ng ganito ka aga para maningil ng renta. Syempre naman no, nagbabayad naman siya ng maayos! "Sandali lang!" sabi niya. Pagbukas niya ng pinto, biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Natameme siya. Nagtitigan silang dalawa ni Dominic na nakatayo ngayon sa harap niya at may dala dalang pabilog at mahabang bagay na nakasukbit sa balikat niya. "Dominic," gulat na saad niya. tumikhim siya. "Anong sadya natin? Halika, pasok ka." Inuwang niya ang pinto para makapasok ito. "Pasensya ka na. I just thought that I should give the design and floor plan to you first before you would go to your book signing." paliwanag nito. Kinuha nito ang bagay na nakasukbit sa balikat. "Nandito sa loob ang design at floor plan ng bahay. You wouldn't mind to review it now so kapag may gusto kang ipabago ay mapapalitan ko. Para pag balik mo ay reviewing nalang then we could start building your house." Alanganin niyang tinanggap ang inaabot nito. Medyo weird ito ngayon sa paningin niya. Nakakapagtakang napasugod pa ito sa apartment niya para lang dito. Nakaligtaan niya bang sabihan ang mga ito na may inasign siyang tao para umasikaso sa mga maiiwan niya? Nagmamadali ba itong matapos ang project para makalayo na sa kanya? Kung ganoon ay ang sakit naman. Napasulyap siya sa pinto ng kanyang kwarto. "Actually," nag aalangan pa siyang sabihin pero bahala na. "hindi ko pa napa-pack ang mga gamit ko." her tone clearly said that she's truly sorry to delay his job. Tumikhim siya. "Don't you want to come in?" Ni hindi kasi ito nag abalang sulyapan man lang ang loob ng apartment niya. Mukhang walang balak pumasok ang lalake at dinaan lang talaga itong project. Umiling ito. "I'm actually on the way to Read and Sip Café. Dinaan ko lang talaga iyan." "Breakfast meeting?" pasimpleng usisa niya. "Ahm. Breakfast date with Lavander." Natahimik siya. Sana all. Hindi naman niya inaakalang nag de-date pala ang mga ito. Hindi ba sila nauumay sa pagmumukha ng isa't isa? Sa trabaho ay nagkikita sila, tapos magde-date pa? Hindi naman sa naiingit siya. Hindi siya maiingit sa mga ganyang ka-cheesyhan. Bakit naman siya maiingit? Kesa gumastos para makipag date ang mabuti pa ay iponin niya ang pera niya! "May... problema ba?" Takang tanong ni Dominic sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?" Natauhan siya. "Ha?" "Bakit ang sama mo makatingin sa akin? May nasabi ba akong mali?" Ano? Bakit nga ba ang sama ng tingin niya? Nge, hindi siya naiingit ano! Alanganin na ngumiti siya. "May inasign akong tao para asikasohin lahat ng maiiwan ko." ani niya. "But it seems that this matter is urgent for you para mag abala ka pang pumunta dito. And since you're in a hurry, I will just email you my response." Mas mabuti nang umalis na ito ngayon din bago pa magdilim ang paningin niya at kulamin niya ang lalake. Napailing siya sa naisip. Alanganing nag paalam na ito. Ilang beses pa bumuka at sumara ang bibig nito na tila may gustong sabihin ngunit nagaalinlangan. Hinintay niya ang gusto nitong sabihin, pero sa huli ay nagpaalam uli ito at ngayon ay tinatanaw niya ang papalayong pigura nito. Breakfast date my ass. Sa isip niya. Nag empake muna siya ng mga gamit bago naligo. Ilang oras din bago siya natapos at pag tingin niya sa cellphone ay alas nuebe na. Mamayang ala una ang flight niya, mas mabuting nandoon na siya sa airport ngayon. Nag taxi lang siya patungong airport. Dalawang oras din ang byahe niya dahil sa traffic. Pagdating niya doon ay malapit ng mag alas dose. VICTORIA arrived safely in Davao. The Hierloom Publishing House provided her and her co-authors a vehicle for transportation. Hindi sila sabay sabay na dumating dahil ang iba ay nauna ng dumating kanina. Nakita niya kaagad ang isang lalakeng may katandaan habang may hawak na karatulang nakasulat ang palangan ng publishing house. She approached the old man. "Ah, kayo po pala si Miss Victoria. Pen name niyo po ay Rin Philautua, tama?" paninigurado nito. Tumango siya. "May hinihintay pa po tayong dalawa pang manunulat ma'am. Kung gusto niyo po ay mauna na kayo sa sasakyan para magpahinga." Pagod talaga siya kaya naman hindi na niya tinanggihan ang matanda. Hinanap kaagad niya ang sasakyan sa parking lot at hindi naman siya nahirapan dahil may logo ng publishing house ang sasakyan. Umidlip kaagad siya paglapat ng likod niya sa back rest ng upuan. Pag gising niya ay nasa hotel na sila na tutuluyan nila. Mabuti at naramdaman niyang huminto ang sasakyan kaya nagising siya. Nakakahiya naman kung gigisingin pa siya ng mga kasama niya. Speaking of, her two co-authors approached her. A man and a woman. "Hi. You must be the infamous Rin Philautia!" masiglang bati ng babae. Alanganin siyang tumango at ngumiti. "I'm Jenny! And this is Fernan. Nice to meet you, Rin!" It's weird being called by your pen name with your co-author. And it's also awkward because she dont know these two and she's not close with them. This is why she sometimes hate book signings like this. She's not really good with new people. Pero syempre ay exempted ang readers niya. She loves her readers so much! So even if she's awkward with new people, pinipilit niyang makipagsabayan sa mga ito. "Hello." she awkwardly wave. And with her fast thingking, she instantly develop a question para hindi siya nila pagkamalaang snober. "Totoong pangalan niyo ba iyong binanggit mo?" she politely asked, for the sake of conversation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD