Pagsapit nang madaling araw ay naisipan ni Aling Sinag na simulan na ang ritwal habang natutulog pa si Jaxton. Nang gisingin niya ako ay hindi naman nagambala si Jaxton kaya nakalabas agad kami sa kwarto nang matiwasay. “Magsimula na tayo.” Napatango na lamang ako, hindi na nakapagsalita dala nang kaba. “Kalmahan mo lang ang ‘yong puso, iho. Hindi naman kita pababayaan sa gagawin ko dahil matutulog ka lang ulit habang nakalapat na ang kamay ko sa ’yong noo at habang binabaybay ko na ang mga sinaunang salita para sa gagawin ko sa iyong mga alaala.” “Okay po,” at napahingang malalim na ‘ko upang mapakalma na ang puso ko. Nang makahiga na ako sa malambot na kama na inayos ni Aling Sinag sa sala niya ay ipinikit ko na ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang din na kinumutan niya ako a

