Pagkababa namin sa eroplano ay dumiretso na kami sa totoong pakay namin. “Thyme, can you hear me?” pagtanong ko na mula sa ‘king isipan. Para magising na rin siya dahil kakailanganin ko na siya ngayong oras. Nandito na kami sa morgue, talagang hinintay pa nila ang pagdating ko bago nila tapusin ang pagsusuri sa lalaki. Matapos kong kausapin ang babae na in charge dito ay nagpaiwan muna ako saglit para tignan lang nang mag-isa ang bangkay ni Mr. Ferrow. Pinahintulutan nila ako dahil sa connection ko na rin sa mga pulis na nakausap na namin kanina. Madali lang naman sila kausap lalo na’t kasama ko pa si Eris. “Yes, Master!” narinig ko nang pagtugon ni Thyme. Kaya naman pinalabas ko na siya. “Come out. I need your help.” Makalipas ang ilang segundo ay lumabas na siya mula sa mata ko

