Nang sumapit na ang gabi… Pagkabalik nila Jaxton ay pinapasok ko na si Thyme sa ‘king mata. Nakita niya naman ‘yon harap-harapan kaya namangha na naman siya dahil paano raw nagkakasya si Thyme do’n. Sinabi ko na lang na hindi na nakakagulat kung buong buhay mo ay nasa mala-pantasya ka. Maski mga hindi pa maipaliwanag na pangyayari sa iba’t ibang mundo ay pinaniniwalaan ko nang totoo ‘yon dahil kakaiba rin ang nangyayari sa ‘kin. Sikreto na lang talaga ‘yon na hindi p’wedeng malaman ng buong mundo. Mananatiling kathang-isip o isang pantasya na lamang sa mga tao. “Ang dami mo namang binili para kay Thyme. You know that he won’t need all of them, right? Hindi niya ‘yan madadala lalo na’t nasa mata ko siya,” sabi ko nang mapansin na ang mga shopping bag na kinukuha niya pa lang sa labas pa

