FALLING IN LOVE Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakangiti habang pinagmamasdan ang pinaka-mamahal kong babae na nilalaro ang tubig ng lawa gamit ang mga kamay niyang nagtatampisaw sa tubig. Tuluyan akong napatayo sa pagkakaupo nang tawagin niya na ang pangalan ko. Paglusong ko sa tubig at sa paglapit niya sa ‘kin ay kinulong ko na siya sa ‘king mga bisig para mayakap ko siya nang mahigpit. “Gio!” “Mahal na mahal kita.” “Gio…” “Mahal mo rin ba ako?” Kumislap ang mga mata niya at dahan-dahang napatango. “Mahal na mahal din kita, Gio.” Sa pagdilat ng mga mata ko ay napahawak na lang ako sa ‘king pisngi nang maramdaman kong may tumulo roon. Napabangon na lang ako sa pagkakahiga at napahawak sa ‘king dibdib na sobrang bilis na sa pagtibok. Umiyak ba ‘ko? Pagtingin ko sa

