RELATIONSHIP It’s too fast, that’s not true love, that’s just an infatuation, that’s—they all say. But what could I say? This is what I felt. “Let’s go on a date after our class tomorrow,” saad ko habang nasa rooftop na kami pinagmamasdan ang paligid ng kalupaan namin. Hindi na kami nakapag-aral matapos ang pangyayari kanina. Nagkaaminan kaya naman hindi na kami nakapag-concentrate sa pag-aaral. Dito na namin naisipang tumambay. “Eh?” aniya at napanguso. Cute. Napahawak na siya sa railing habang ako ay nakayakap pa rin mula sa likuran niya. Nakapulupot ang mga kamay ko sa baywang niya habang nakalapat ang baba ko sa balikat niya. “Yeah, why?” Wala na ‘kong pakialam kung gaano kabilis nabuo ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Ang alam ko lang na gusto ko na siya at nahuhulog

