CHAPTER 14

2129 Words

A WONDERFUL DATE Nang makarating sa tapat ng puntod ni Mama ay tuluyan nang napaluhod si Kimia sa harap nito at yumuko. Napangiti na lamang ako sa ginawa niyang pagrespeto kay Mama bilang girlfriend ko na ipapakilala ko na ngayon. “Mom, may ipapakilala ako,” panimula ko matapos ko ring lumuhod. “This is Kimia Sanchez, my girlfriend,” pagpapatuloy ko sabay akbay kay Kimia. Nang magtama ang mga mata namin ay sabay ulit kaming napangiti. “Good afternoon po, Tita,” aniya at inilapag na sa gitna ang bulaklak na binili niya kanina sa nadaanan namin. Ginamit niya na lang ang natitirang ipon niya para sa bulaklak na ibibigay niya kay Mama. Hindi na nga ‘ko pumayag pero nagpumilit pa rin talaga siya kanina kaya tuwang-tuwa na naman ang puso ko dahil sa kabutihan na ginawa niya para kay Mama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD