“Anong pag-uusapan natin, Lily?” tanong ko nang makalayo na kami sa gusali. Nandito kami ngayon sa parking lot, sa malilim kung saan may puno para hindi masyadong mainit. She crossed her fingers. “N-nagmamakaawa ako, Scott. H’wag mo namang gawin ‘to. Alam kong may magagawa ka pa para itigil ito… H-hindi kasalanan ni Jose, I know he has reasons! Please… Don’t do this to your friend,” sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko. Her eyes won’t work on me. Wala na rin siyang pakialam kahit na magmukha pa siyang desperada sa harapan ko. Gusto niya lang na hindi matuloy ang pagpapakulong sa fiancé niya, hindi niya man lang naisip na iba na ang ugali ng lalaking pinagtatanggol niya. “Alam mo na ba ang lahat?” nilabanan ko rin ang pagtingin niya dahil hindi naman na uubra sa ‘kin ang pag

