Matapos ang nakakagulat na eksenang ginawa ni Lianne ay humarap na ulit kami sa mga camera. Nagpalakpakan naman silang lahat dahil sa ginawa niya. Habang ako ay napipilitan na lang sa pagngiti sa kanila. Hindi ko talaga inaasahan na hahalikan ako ni Lianne sa harap ng mga maraming tao. And that kiss was nothing to me, but just an act that she had to do. Pagpasok namin sa venue ay nagkaroon pa ng picture taking. Sa gitna kami pumwesto ni Lianne kung saan nasa likod namin ang background na Star’s ball. Kaliwa’t kanan naman ang mga camera na nasa harap namin, kinukuhanan kami ng mga litrato at video. “3, 2, 1, smile…” “Fierce naman!” “Last po. Tingin dito, Miss Li and Sir Scott!” Sinusunod lang namin sila at kung ano-anong pose pa ang mga pinagawa nila sa ‘min. Matapos ang pag-pic

