“I need to meet Aling Sinag again,” sambit ko nang makaupo na ako sa tapat ni Jaxton. Nandito ako ngayon sa opisina niya. “You’re leaving? As in right now?” Napatango naman ako. Ilang oras na lang flight ko na papunta roon. “Ako lang mag-isa ang aalis. Wala naman akong importante na meeting ngayon. Pinapaalam ko lang sa’yo para kung magkaproblema man ay ikaw muna ang bahala. Isang araw lang naman ako ro’n, babalik din ako agad dahil may pupuntahan pa akong event kasama si Lianne.” “Okay, mag-iingat ka. Pero anong meron at pupunta ka na naman doon?” nagtataka namang sabi niya. “It’s about myself. Hindi na ako mapakali lalo na’t nananaginip na naman ako tapos hindi ko pa maalala. Parang ganito rin ang nangyayari sa akin noon, ‘di ba? Besides, nagpakita na ang isa sa mga alaala ko na

