Inis naman akong napabangon sa higaan nang bigla na lang nagkaroon ng tao sa labas ng unit ko. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon lalo na’t eleven na ng gabi. Ngayon na nga lang ako makakatulog ng maaga, mauudlot pa. “Wait!” sigaw ko nang patuloy pa siya sa pagkatok sa pinto. “It’s me, Lianne. Open the door, love!” Napakunot na lang ang noo ko nang marinig ko na ang boses niya. She’s here? Why? Pagbukas ko ng pinto ay napaatras na lang ang isa kong paa sa biglaang pagyakap niya sa ‘kin. “What happened, babe?” nag-aalala nang sabi ko. Hindi naman siya magiging ganito kung walang problema. Hinaplos ko naman ang buhok niya nang maramdaman ko na ang luha niya sa damit ko. She’s already crying quietly. “I will listen, babe,” sabi ko pa. “What did your mother do to you?” dagdag k

