Sumunod na mga nangyari no’ng mga oras na kinokontrol at pinapalakas ko pa ang aking kapangyarihan ay… “Hingang malalim, pota ka! Para ka ng mamamatay, e!” patuloy na pagsigaw ni Jaxton sa akin nang bumagsak na naman ako sa sahig dahil sa pag-e-exercise. “Para ka namang gurang. Man up, bro!” sabi pa niya, palibasa kailangan ko siya ngayon kaya hindi ko siya maaway-away. “Pota ka rin, ayoko na!” pag-angal ko na dahil ang sakit-sakit na nang katawan ko. Kung ano-ano kasi ang pinapagawa sa akin ni Jaxton porket sanay na siya sa ganito. Nagwo-workout kasi siya kaya alam kong mas matigas at may laman ang muscles niya. Hindi tulad ko na sakto lang. Tamang takbo lang ang alam ko, e. I’m not good at working out, that’s why! Mas gugustuhin ko na lang na mag-aral o matulog kaysa maglaan pa ng o

