At nagpatuloy ang mga sumunod na pangyayari no’ng pinagtutuunan ko pa rin ang kapangyarihan ko… “Game?” aniya, nakahanda na rin sa tabi namin ‘yong stopwatch para malaman na rin namin kung hanggang anong oras akong matutulala sa mga bawat nakaraan na pupuntahan ko. Ililista ni Jaxton para malaman din namin kung may pagkakaiba ba o wala. Ang dami pa kasing p’wedeng gawin sa kapangyarihan ko kaya nag-iisip pa kami ng iba’t ibang paraan kung paano pa gagamitin ‘yon at kung saan pa kami mas mapapadali. Saka kung hanggang saan lang din ako p’wede sa nakaraan ng isang tao o p’wede pa bang mag-exceed doon na hindi nila mapapansin na para bang nababaliw na ‘ko. Dahil sa tuwing gagamitin ko ang kapangyarihan ko at kapag gumagana na ito ay nakatulala lang talaga ako na para bang tanga, sabi rin

