Pagsapit nang kaarawan ni Ama… Maganda ulit ang paggising ko sa umaga lalo na’t birthday ni Dad. He’s already 65 years old. P’wede na nga siyang mag-retire pero hindi niya pa magawa dahil hindi pa ako tapos sa pag-aaral ko. Malapit naman na ‘ko grumaduate at kapag nangyari ‘yon, ako na ang papalit kay Dad. Hindi na nila mababago ‘yon. Pagbangon ko sa higaan ay nag-unat muna ako bago bumaba sa kama. Pagkatapos dumiretso na ako sa bathroom. “Good morning, Sir Scott. Nasa garden po pala si Sir Salvador. Baka gusto n’yo po siyang samahan mag-breakfast do’n.” Pagsalubong naman sa ‘kin ng isang katulong nang makababa na ako sa hagdan. “Nandoon na rin po pala ang pamilya ni Sir Evan,” dagdag niya na ikinatuwa ko naman. “Okay, thank you.” Pagdating ko sa gazebo ay kinawayan ko na sila,

