Makalipas ang ilang taon… “Tomorrow will be your moment to stand out in the business world. Are you ready, Scott?” seryoso namang saad ni Dad. We’re currently having dinner in a fine restaurant exclusively for the elite. Iilan lang din ang mga tao ngayon, bilang lang sa kamay kaya naisipan ni Dad na rito na lang kumain bago umuwi. Kagagaling lang namin sa opisina, ipinakilala niya na kasi ako sa mga empleyado niya at alam na nila kung sino ang magiging bagong boss nila. “I am more than ready,” tugon ko. “Parang kailan lang, son. Ang bilis ng panahon. Nakakatuwang isipin na ikaw na ngayon ang hahawak sa ‘ting mga business,” nakangiti nang sabi niya. “I’m so proud of you, Scott. You know how happy I am to think now that you’re my successor.” “Thank you, Dad. Hindi ko kayo bibiguin,” sin

