Naging mas sikat pa si Lianne nang itinala sa media na highest grossing ang kanyang pangalawang film na ang genre ay Romance. Mas umusbong pa ang kasikatan niya no’ng college siya. Napanood ko ang bawat paghihirap niya sa trabaho habang pinagsasabay ito sa pag-aaral niya. Bilib nga ako sa katatagan niya dahil kahit papaano ay nagagawa niya pa ring mag-aral sa kabi-kabilang work niya. Mas naging strikta din ang Ina niya lalo na sa trabaho niya at pag-aaral. Palagi siyang nakabantay kay Lianne at kahit na busy rin siya sa kanyang trabaho ay may nagbabantay naman kay Lianne. Bantay-sarado si Lianne mula umaga hanggang gabi. Trabaho, school, at mall lang ang takbuhan niya. Gano’n ang naging buhay niya. Habang nasa nakaraan pa rin ako ni Lianne ay ramdam ko pa rin ang labi ko na humahal

