Madaling araw pa lang ay gising na ‘ko. Kasalakuyan na ‘kong nagmamaneho papunta sa opisina. Dumaan lang ako saglit sa isang coffee shop kung saan tinakeout ko na lang ang binili kong kape sa kanila para mainom ko habang nagda-drive ako. Ngayong araw na ang event namin kaya kahit hindi pa sumisikat ang araw ay kumilos na ‘ko. Kinailangan ko muna kasi silang makausap sa opisina bago kami magtungo sa Pampanga. Doon kasi gaganapin ang race and show car, sa Clark International Speedway. Pinag-isa na namin. Show cars muna ang mauuna bago ang race cars. Pagkarating ko sa opisina ay tinawag ko na agad si Mya. Sinalubong niya naman ako pagdating ko sa meeting room, nasa loob na rin ang ibang mga empleyado ko. “Good morning, Sir.” Pagtungo niya. “Morning,” tugon ko at pumasok na kami nang sab

