“I still have time, Scott. We can still talk about your questions in your mind if you want,” nakangiti pa ring aniya matapos ang rebelasyong nalaman namin sa isa’t isa. Kaagad naman akong pumayag. “Sure, lead the way. Thank you, Hetera.” Pagngiti ko rin. First name basis na kami. Hindi na nagka-pormalan dahil napagkasunduan namin na pangalan na lang talaga namin ang itawag sa isa’t isa. Kahit ngayon lang kami nagkakilala, iyon na ang napagdesisyunan. Besides, we share a similar secret, so she has already earned my trust. Samantalang si Thyme ay pinatahimik ko na muna. Sa condo na lang kami mag-uusap ulit. After a long walk, we finally decided to stop by a restaurant that had a few customers. Doon na namin naisipang kumain sapagkat magtatanghalian na rin. Habang hinihintay ang mga i

