Pagkalabas ko sa ospital ay sumaglit muna ako sa ‘king condo, pagkatapos ay dumiretso na ako sa kompanya. Nang makarating ako agad ay nagpa-meeting na ako, inabot kami ng tatlong oras sa pag-discuss ng mga gagawin na sa event. Mabuti na lang nakausap na ni Ama ang mga directors din sa event tungkol sa napagdesisyunan namin ni Mya. Kalaunan ay nagtungo na ako sa presinto kung saan nakakulong si Fredo. Papunta na rin si Jaxton, doon na lang kaming magkikita. Nang makita ulit ako ni Fredo ay nandoon pa rin ang pagkagulat sa ekspresyon niya. Pagkaupo namin ay nagsimula na ako. “I have to meet you again since I still need to know that last situation about Rylee. Next week pa trial mo, hindi ba?” Bahagya naman siyang napatango. “Can you look into my eyes again?” pagkasabi ko no’n ay binuks

