Paggising ko ay nasa ospital na ako. Nilibot ko pa ang aking paningin, umaga na nang mapansin ko ang liwanag mula sa labas ng bintana. Ilang oras yata akong nakatulog. Pagtingin ko sa wall clock ay 9 a.m. na. Mukhang nahimatay nga ako dahil sa pangyayari kanina o kahapon? “Bro, you’re awake!” Tipid naman akong napangiti nang maibaling ko na ang paningin ko kay Jaxton. “I guess I’m still alive.” “Pinakaba mo ako!” aniya sabay hawak pa sa kanyang dibdib na para bang nasaktan. Bahagya naman akong natawa. “Isang araw lang naman akong nakatulog, ‘di ba?” tanong ko. Nanlaki naman ang mga mata niya. “Dude, hindi lang isang araw. Dalawang araw ka kamong tulog!” tugon niya at napaupo na sa upuan, tabi ng kama. “What the f**k? Dalawa talaga?” Napatango naman siya. “But it’s okay. You rea

