CHAPTER 69

2391 Words

This is the turning point in Fredo’s past where everything turned into darkness. Malapit na si Fredo at ang nanay niya sa bahay nila. Naglakad lang kasi sila pauwi, hindi na nag-abalang sumakay sa jeep o tricycle. “Anak, kapag wala na kami ‘wag mo pa ring pababayaan ang mga kapatid mo, ha?” Napakunot naman ang noo ni Fredo, bahagya pang natigilan. “Huh? Bakit mo naman sinasabi ‘yan, ‘nay?” “Alam mo na… Hindi natin masasabi ang panahon.” Sa mga sinabi pa lang ng nanay ni Fredo, malakas na rin ang kutob ko sa mga posibleng mangyayari lalo na’t sa mga sinabi pa mismo ng nanay ni Chelsea. Ayokong manghusga pero nararamdaman ko na rin na darating na ang bangungot sa buhay ni Fredo na maaaring magpasimula sa pagbabago ng buhay niya kung saan magbabago na rin ang pananaw niya sa mundo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD