Nang maghapon ay nagtungo na ‘ko sa hotel kung saan kami magkikita. Medyo na-late pa ‘ko dahil pagdating ko ay nakita kong nandoon na siya, siya pa ang naghintay sa akin. Pagkaupo namin sa upuan ay nagsimula na ako sa pakay ko. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. It’s about what happened to Rylee Dizon, girlfriend of Jaxton Sawney. Both of them are my close friends, too. Nakikilala mo ba sila?” Napatango naman siya. “Yeah, they’re both in the business field. What happened to her?” Magsasalita na sana ulit ako nang may gumambala saglit sa amin. “Oh, thanks,” sambit ko nang maibaling na ang paningin ko sa babaeng staff ng hotel. Binigyan kami ng tsaa, nag-order pala si Zander. Pinasalamatan ko naman siya. “Yes, sila nga. Last week, may nangyari kay Rylee. She was r***d, so we’re trying

