Sa mga Mambabasa
Ang aking kwento ay likha ko lamang sa aking malawak na imahinasyon. At sa anumang na pagkakatulad sa totoong buhay ay hindi ko sinasadya.
Ang mga lugar sa kwento ay may kaakibat na katotohanan at ang iba ay hindi. Ganun pa man ay inaanyayahan ko sana kayo na basahin ang una kong nobela na ROM-COM Fantasy. Kaya 't sana 'y hinihikayat ko kayong mga masugid kong tagahanga na basahin itong Nobela ko. Maraming salamat sa in'yong lahat.
Mga katanungan;
Naniniwala ba kayo na may kan'ya-kanya tayong kapalaran? May tinatagong sikreto?
Oh naniniwala kayo sa isang mala-Fairy -tale na kwento ng buhay?
Alin man sa in'yong mga katanungan ay masasagot 'yan kapag binasa nyo ang aking akda. Kaya sana 'y hinihikayat ko kayong basahin ang Fantasy novel kong likha, Mala-aksyon, Komedya, at Romansa ang mababasa ninyo sa mala-Fantastik na Pustisong in'yong mababasa.
Ang Karakters ko dito ay may kakaibang katangian pagdating sa itsura. Kaya kung may naiisip na kayo kung ano ang mangyayari sa kwento ay masaya akong Author nyo dahil sa may nakaka-appreciate ng gawa ko.
NOTE/ Isabuhay
Sa mga taong desperado o desperada sa kani-kanilang mga pisikal na itsura ay masasabi kong mas importante ang nasa puso n'yo kaysa sa panlabas na kaanyuan.
Dito sa Karakters ko ay maipapakita ko dito ang itsura ay hindi talaga ibinabase sa kung sino ang mamahalin mo.
Totoong mas mahalaga ang Values at morality sa isang tao. Hindi mo dapat na kalimutan na kapag maghahanap ka ng taong gusto mo ay kinakailangan na tànggapin ka ng buo at hindi lang sa panlabas na nakikita mo siya mamahalin. Dahil sa kagandahan at kagawapuhan ay lumilipas pero ang bukal ng puso mo ay kailanman ay hindi kumukupas.
Hindi gaya ng paghanga ay mabilis mawala, ang pagkahumaling sa isang tao ay akala mo siya na, ay hindi pa pala. Pero ang salitang tunay na pag-ibig ang magiging simbolo ng iyong mahabang pagtitiis, pag-unawa sa iyong kabiyak, mabait at mahinahon sa pagkagalit at kaya kang pakinggan sa oras na magsalita ka ng inyong ipinyon.
Magpapantasya dito ang aking karakters na maging maganda tulad ng Author n'yo char... Hindi. Ang ibig kong sabihin ay masalimuot ang buhay niya o ng buhay ng aking Karakters. Itong kwento ng Karakters ko dito ay may próblema sa itsura, tapos sa kakaibang itsura ay wala sa kan'yang lumalapit, dahil sa pangit siya at nakakatakot.
Kaya sa atin syempre ay hindi mawawala sa atin ang kataga na... Bakit?
"Bakit nabuhay pa ako sa mundong ito?"
"Bakit siya Maganda?at ako Hindi?" "Bakit siya mayaman? Maputi?" at matangkad?" at kung ano-ano pang mga nagsisimula sa pagtanong na Sino, Bakit, Paano, Saan, at Ano? kaya akala ng karakters ko dito ay ang mga ganitong itsura ay wala ng saysay pa upang mabuhay at lumaban sa kan'yang PANGARAP. Dahil sa napagkaitan siya ng postura
Naramdaman nyo na rin ba na malait? Masira sa isang tao na gustong-gusto mo? Oo sadyang may mga taong nasisiyahan sa ganitong sistema ng panunukso. Kaya ang payo ko lang sa inyo ay ingatan natin na makasira ng repustasyon ng iba dahil wala naman na mabuting maidudulot ang paninirang puri diba? Masakit talaga ang masira sa iba at dapat handa rin tayo minsan sa mga ganitong uri ng tao.
Kahulugan ng salitang...
*Diwata*
Ang mga Diwata ay mga mistikong nilalang na bahagi ng katutubong paniniwala sa Pilipinas. Ipinapalagay na sila ay mga espiritu ng kalikasan at mga tagapangalaga na malapit na kaugnay sa mga elemento ng kalikasan. Isa sa mga teorya ay nagmumungkahi na ang mga konsepto ng mga diwata ay nagmula sa mga sinaunang paniniwala ng mga katutubo bago pa dumating ang mga Kastilang mananakop. Ang mga diwata ay may mga kaugnayan sa mga natural na elemento, tulad ng tubig at gubat, at itinuturing na mga mahalagang bahagi ng sinaunang paniniwala at kultura ng mga Pilipino.
Ang "diwata" ay mga nilalang na sinasabing may kapangyarihang kontrolin ang kalikasan, katulad ng mga diwata ng mga bundok, ilog, at kagubatan. Karaniwang inilalarawan ang mga diwata bilang magagandang mga babaeng nilalang na may kakayahang magdulot ng kabutihan o panganib sa mga tao, depende sa kanilang pag-uugali at pakikitungo sa mga ito. Maraming kuwento at alamat ang naglalarawan ng mga pakikipagsapalaran ng mga tao sa mga diwata, na kadalasang nagtatampok ng mga aral at pagpapahalaga sa kalikasan at kababalaghan
At ayon ito sa kahulugan na aking nakalap na impormasyon sa websites.