KABANATA 15
DIWATA ELENA POV
Napansin ni Elena na ubos na ang pagkain niya na dinala niya nang nasa palasyo pa siya at maging ang tubig rin. Na kahit isang batis ay wala siyang natagpuan dito sa gitna ng gubat. Buong Akala niya ay sa kan'yang paghahanap ay mayroon siya man lang na makikita na malinis na batis, ngunit wala. Nabigo siya sa kan'yang paghahanap. Nakaramdam na rin siya ng gutom. " Wala man lang dito na napadayo na ligaw na hayop? Diba at gubat 'to?" Nagtatakang tanong niya sa sarili. Dapat man lang ay kahit isang Hayop ay mayroon siyang matatagpuan dito, pero wala. "Pero na-saan? Imposible naman?" dugtong pa niya at tanong sa sarili. Nanalaytay nasa kan'yang ugat ang gutom na gusto niya nang makakain ng kahit hilaw na karne ng hayop. May dala-dala rin siya na isang boteng may laman na kaunting tubig. Kinapa-kapa niya ang kan'yang tiyan, dahil sa masakit na talaga ang kan'yang sikmura.
"Diwata ELENA... Pasen'ya na kung hindi kita matutulungan sa paghahanap ng iyong pagkain, " saad ni Pustiso na kahit nasa loob lang ng Bag ay nagsasalita iyon. " Ayos lang Pustiso. Ahh eh, Alam ko naman na wala kang kapangyarihan upang tulungan ako makahuli man lang ng hayop dito at sundin ang hinihiling ko," saad niya at sabay na umupo sa bato, upang doon muna pansamantalang magpahinga.
"Pero kung nasa kaharian sana tayo ay hindi mo sana ito mararanasan," komento pa ni Pustiso sa kan'ya. Puno ng tinig nito sa labis na panghihinayang nito at pagsisisi sa ngayon.
"Kaya nga eh... pero sana 'y matagpuan ko na rin ang mamahala sa 'yo," tugon naman niya.
Napatingin siya sa daanan na may malinis na paligid. " Sa tingin ko 'y may bahay doon sa gawing ng daanan na 'yon," saad niya habang may ngiti sa labi. Napalingon nalang siya sa kan'yang bag at pinokus niya ang tingin kay Pustiso.
"Maraming salamat Pustiso. Dahil sa naririto ka. At bilang tapat na alagad ni Reyna Luna ay nanaisin kong gawin ang lahat! Na kahit ikamatay ko pa, ay alang-alang na h'wag ka lang makuha sa 'kin ni Diwali Cleopatra," usal pa niya. Naantig naman si Pustiso sa kan'yang mga sinabi.
"Oo, walang anuman... Diwata Elena," tugon niya.
Naisip niyang tumahimik na at maging ang madaldal na pustiso ay hindi rin na nangusap pa. Tumayo siya upang ipagpatuloy niya ang paglalakbay. Hanggang sa makakita siya ng isang hayop na nakahandusay sa lupa. May tama ito na sibat. Dahil sa duguan ang noo ng hayop na 'yon. Mukhang sa tingin niya ay sinadyang patayin ito. Nang kanyang nilapitan ito ay agad siyang kumuha ng laman ng karne nito at kinain iyon ng hilaw. At sa labis ng kan'yang pagkatakam sa pagkain ay hindi niya na inisip kung may makakita sa kan'ya. Hanggang sa naubos niya ang parte ng lóob ng hayop na ito, ang atay nito. Matapos niyang kumain ay nauuhaw naman siya. Kaya naisip niyang maghanap ng batis, ngunit sa kan'yang paglilibot ay wala talaga siyang natagpuan.
Sa kan'yang paglalakad ay may natanawan siyang isang kubo, mula sa malayo sa kaniyang puwesto. Napapalibutan ang kubo ng mga usok na halatang may niluluto na pagkain. Isang simbolo ng piging o salo-salong handaan. Naubliga siyang tunguhin ang daanan na kan'yang natanawan kanina. Dahil sa iyon ang nag-uugnay upang puntahan ang pinanggagalingan ng usok.
Kaya naman ay mabilis siyang naglakad patungo doon at palingon-lingon siya sa nasabing paligid. Dahan-dahan siyang pumalibot sa may kusina at natanawan niya ang mga pagkain na iyon sa lamesa. Sa kan'yang nakita ay mas lalo siyang nanabik na makuha ang pagkain. Hindi nga siya nagkamali sa naamoy niyang putahe dito sa kubong ito.
"Napakasarap ng mga pagkain, ang iniluto nila Pustiso!" Natatakam na sabi niya na halos manlaway siya sa sobrang katakaman. Gustong-gusto niya ng kuhanin sa loob ng kubo, upang matikman na ang pagkain na 'yon.
Lumabas ng kusa si Pustiso sa kahon. Dahil sa iniwan na lang kasi siya ni Diwata Elena sa bag. Naramdaman kasi niya na umalis iyon, kaya kusa siya na nagbukas ng kahon niya. Naroroon lang kasi siya, na iniwan sa mga halamang bulaklak. Kaya naisipan ni Pustiso na lumipad papunta sa kinaroroonan ni Elena. Nag-aalala kasi si Pustiso, na baka mahuli si Diwatang Elena, kaya agad niyang sinundan ito.
"Diwata Elena, baka naman ay mahuli ka nila. Pinaalalahan kita na naiiba ka sa uri nila. At hindi sila na katulad mong Diwata! Baka mapahamak ka sa gagawin mo!" Natatakot na pagpapaalala ni Pustiso.
"Hindi yan," tugon niya.
"Pero__!" usal ni Pustiso.
"Psstttt! H'wag ka ng madaldal!" pagsisita niya.
Nang makarinig si Elena ng yabag ay agad nang sinilid niya si Pustiso sa kahon, at sabay na tumakbo siya upang magtago. May panauhin kasi siya na nakita na papunta sa kusina, kung kaya 't mabilis siyang kumaripas nang lakad palayo mula sa kubo. Nabigo tuloy siya sa pagkuha ng mga pagkain sa lamesa. Patuloy siyang nagtago at naupo na lang muna siya sa bato sa ilalim ng punong Mangga. Hinintay niya na makaalis ang tao sa kusina. Habang naghihintay siya ay nakasapo ang kanyang kamay sa ulo niya. Tahimik lang siya na nakikiramdam sa paligid.
" Hindi ko na rin kaya na maglakbay pa Pustiso. Ang aking katawan ay nababatid ko na malapit nang bumagsak," malungkot na saad niya, habang kausap si Pustiso. Gusto niya rin na pansamantala muna siya dito sa lugar, na malapit sa kubong 'yon. Dahil sa layo ng nilakabay niya ay nakapanghihina talaga. Walang oras at araw na hindi kasi siya naglakbay sa gitna ng kagubatang ito. Kaya napagod siya ng husto at narandaman niya sa kan'yang nga tuhod at kalamnan ng binti ang masakit na bahagi ng kan'yang katawan.
Maya-maya ay muli siyang tumayo sa kan'yang kinauupuan. Binalak niya kasing pumunta ulit sa kusina upang tingnan kung may tao pa doon. Hindi na siya pinigilan pa ni Pustiso sa kan'yang balak. Hanggang sa tumapat siya sa pinto sa may bandang kusina at dahan-dahan na bubuksan sana ang pinto na gawa sa nilalang kawayan. Nang bigla siyang nagulat dahil sa nakita niyang babae na kakaiba ang itsura. Kung titingnan niya ay nakakatakot talaga ito na pandidirihan talaga ng Kauri nito.
Biglaan na nagtaklob ng mukha si Rodella, sa ng kan'yang balabal.
"S-sino ka_?" bungad nitong tanong sa kan'ya.
Hindi siya kaagad na nakatugon sa tanong ng babaeng kaharap niya. Tumalikod na lang siya bigla upang umalis ... dahil sa natatakot siya na baka mahuli siya nito na isa pala siya na Diwata.
"Ale... Saan kayo pupunta?" tanong nito sa kan'ya. Nagtataka kasi ang Dalaga sa pag-aasta niya. Kaya napatigil siya at dahan-dahan na lumingon ang ulo niya kung nasaan si Rodella.
"Ah, eh. Hhmmm. Ako pala si Elena. Naligaw lang ako Ineng," nag-aalinlangan niyang tugon. Napakamot siya sa bahagi ng kanyang taluktok ng buhok. Pinilit niyang itago ang tainga niya na baka makita ng dalagang 'yon ang itsura ang kakaibang hugis ng tainga niya sa tao.
Buong akala niya 'y itataboy siya ng kaharap niyang dalaga. Buti na lamang ay naging mabuti 'to sa kan'ya at nagkamali siya ng akala sa mga tao. " Siguro 'y hindi lahat ng uri ng tao ay masasama ang mga ugali? Mayroon rin pala na may mabuting kalooban," kaispan niya.
"Tara po, at kumain muna kayo Aleng Elena, bago kayo umalis," pagyayaya nito sa kan'ya.
Naantig siya sa pang-aalok sa kan'ya ng dalaga. Naging mapagpatuloy ito sa kan'ya at hindi siya itinuring na ibang nilalang. Tinanggap siya bilang mabuting panauhin. Nakaramdam siya ng guilty sa sarili dahil sa binalak niyang magnakaw kanina. Buti na lang ay hindi niya naituloy ang nasa kaisipan niya.
Mukhang nahanap niya na ang taong mag-mamay-ari ng pustiso. "Ineng salamat pala sa hinain mo sa 'kin na pagkain," masayang bigkas niya habang kumakain.
"Walang anuman ho, Aleng Elena," tugon naman ng dalaga sa kan'ya.
"Ah, dito ka pala nakatira? Ikaw lang ba ang mag-isang naninirahan dito sa gitna ng kagubatang ito?" tanong niya sa dalaga upang mas malaman niya ang identidad ng dalagang mag-mamay-ari ng pustiso.
"Hindi po eh, napadpad rin lang ako dito," tugon ni Rodella sa kan'ya.
"Anong pangalan mo pala Ineng?"
"Rodella po,"
"Ahh kinagagalak kitang makilala," sabay ngiti niya. At ngumiti rin ang dalaga.
"Kailangan kong magsiyasat s kan'ya pa... Nais kong mabuti ang mag-aalaga sa pustiso ni Reyna Luna," usal niya sa kan'yang kaisipan. Nais sana niyang ibigay ang pustiso sa dalaga. Ngunit, may naramdaman siyang may kung anong kakaiba sa paligid ng kubong ito. "May kung anong uri ng nilalang na umaaligid dito!" Natatakot niyang kaisipan. Hindi niya na tinapos pa ang pagkain niya. Sa halip ay agad siyang tumayo sa upuan at nagmadaling magpaalam kay Rodella.
"Sa susunod na lang natin na pagkikita, Ineng," huling usal niya, at kaagad na tumungo palabas ng pinto sa kusina. "Kailangan ko ng magtago! Mukhang nasundan na ata ako ng mga tauhan ni Diwali Cleopatra!" kabadong kaisipan niya. Nilisan niya ang kubo at naiwan niya ang dalaga na labis na nagtataka sa kan'ya sa huling salita niya bago siya umalis. "Kailangan-kailangan ko ng maibigay sa dalagang 'yon ang Pustiso," bulong niya. At napakabilis niyang naglaho papalayo sa kubo.