Reality Nightmare

1195 Words
Napamulat ng mata si Enzo dahil sa kaluskos na kanyang naramdaman sa kanyang paligid. Pinakiramdaman niyang maigi kung saan nanggagaling ang kaluskos na ingay na 'yon. Nilukuban siya ng kaba nang marinig niya na tila yabag ng isang tao na naglalakad palapit sa kanya. Palakas nang palakas ang mga yabag habang siya ay pinagpapawisan ng malamig at butil butil. "M-maaa... M-mama ikaw ba 'yan?" Tawag niya sa kanyang ina sa pag aakala na sa kanyang ina ang mga yabag na 'yon. Naramdaman niya na huminto ang mga yabag. Nakita niya ang isang anino na nakatayo sa pintuan ng kanyang silid. Sinipat niya ang orasan na nakasabit sa dingding, pasado alas tres na ng madaling araw. "M-maaa......" Tawag niya ulit ngunit wala pa ding sumasagot. Napatayo na siya buhat sa kanyang pagkaka higa upang silipin kung kanino ang anino na nasa labas. masama na ang kanyang pakiramdam at iba ang kanyang kutob. Iba ang kaba na kanyang nararamdaman at tila may panganib na sa kanya ay dadating. Naalarma siya nang mapansin niya ang paggalaw ng anino sa may pintuan. "Sino ba 'yang nasa labas? kung nambubulabog ka lang, lumayas ka dito, hindi ka nabibilang dito sa mundo namin, lumayas ka sa bahay na'to." Ikinubli nya ang kanyang nararamdamang takot kasabay nang pagdadasal niya. 'Yon kasi ang turo nang kanyang nayamapang Lola Lucing na kapag may mga bisita tayo na hindi natin nakikita ay kailangang ipakita na matapang tayo at huwag padaig sa takot at sabayan ng dasal na Aba ginoong maria upag mapalayas sila. Ngunit sa pagkakataon na ito ay tila hindi tumitinag ang nambubulabog na masamang nilalang kahit na paulit ulit na nagdarasal si Enzo, parang may kung anong pakay na hindi n'ya makuha kung ano ang dahilan. "Ano ba'ng kailangan mo?! bakit ka nandito? lumayas ka na!" Biglang humangin nang malakas kasabay nang pagkabuwal ni Enzo sa sahig, tila galit ang tao na nasa labas at biglang bumukas ang pinto. "Lumayaasss kaaa!!!!" Malakas na sigaw ni Enzo ngunit tila walang boses na lumalabas sa kanyang bibig at walang nakakarinig sa kanya kahit na ang lakas ng sigaw niya. Nanindig ang kanyang balahibo nang lumantad sa kanyang paningin ang may ari ng anino kanina sa labas. "B-bakit.. B-bakit nakatayo ako? P-patay na ba akoo??' "Diyos ko po!" Napalunok siya kasabay ng panginiginig nang kanyang buong katawan. Tila ba nanlaki ang kanyang ulo na umikot ang kanyang paningin na parang masusuka sa sobrang takot na kanyang nararamdaman. "S-sino ka'ng demonyo ka?!! Bakit nandiyan ka sa katawan ko?! Lumayas ka!! Mamaaaaa!!! Mamaaaa!!! Tulungan mo akoooo!!! MMMMAAAAAAA!!!!!!!" Nagmistula siyang baliw na sinisigawan ang kanyang sarili, lahat nang mga gamit na makita niya na nasa kanyang tabi ay binabato niya sa taong nasa kanyang harapan ngunit hindi ito natatamaan at tanging tumatagos lang ito sa kanyang katawan. Lalo siyang natakot sa sandaling iyon. Pakiramdam ni Enzo ay katapusan na niya at halos habol na niya ang kanyang hininga. Labis na ang panginginig nang kanyang katawan at nagawa na niyang umihi sa kanyang salwal sa sobrang takot. "MAAAA!!!!ATTTTEEEE!!!! PAPAAAAAA!!!!" Paulit ulit na sigaw ni Enzo ngunit nagmistula lang siyang baliw na panay ang sigaw na walang lumalabas sa kanyang bibig. Biglang gumalaw ang masamang nilalang na nasa kanyang harapan. Tumingin ito sa kanya nang matalim na may panlilisik sa kanyang mga mata at ngumisi nang mala demonyong ngisi. Nagsimula ulit siyang magdasal kasabay ng pagpikit nang kanyang mga mata. "Hail Mary full of grace the Lord is with thee blessed are thou am-----" "WALANG MAGAGAWA ANG DASAL MO!!! KUKUNIN NA KITAAA WAHAHAHAHA!!" Isang nakakapangilabot na alingawngaw nang isang mala demonyong boses ang lumukob sa kabuuang kwarto ni Enzo. ""AKIN ANG BUHAY MO!! AKIN ANG BUHAY MO WAHAHAHAH!!!" "HINDEE!!! HINDI MO AKO MAKUKUHAAA!!!" Kinuha ni Enzo ang isang kulay puting rosaryo mula sa kanyang bulsa. Naalala niya na may rosaryo pala siyang dala parati at hindi niya iyon inaalis sa kanyang bulsa. Sa makasaysayang lugar ng Our Lady of Lourdes grotto shrine sa San Jose del monte Bulacan niya iyon nabili noong semana santa at tatlong beses din niya iyon pina bendisyon. "Subukan mo'ng lumapit! Ihahagis ko sa'yo itong rosaryo na hawak ko!" Pinilit niyang labanan ang kanyang takot at pinili na harapin ang nilalang na ito, walang mangyayari kung padadaig siya sa kanyang takot. "Hindi mo ako makukuha! Ikaw ang mawawala! Hindi ka magtatagumpay!!!" "WAHAHAHAHA!! KUKUNIN NA KITAAA!!!" Unti-unting lumapit sa kanya ang masamang nilalang na ito. Nagsumiksik siya sa ilalim nang kanyang kama at pilit doon nagtago habang panay ang kanyang dasal. Nasa may kasuluk sulukan na siya nang ilalim nang kanyang kama nang bigla siyang hilahin bigla ang masmang nilalang na gumagaya sa kanya. "BITIWAN MO AKOOO!!!!" Buong lakas siyang hinila nito at hinagis siya sa kanyang kama. "AAAHHHHH!!! MAMAAAAHHH!!!! TULOOONNGGG!!!!!" Naiiyak na siya sa takot at buong katawan na niya ay nanginginig na din. "AKIN KANA!! MAMAMATAYYY KANAAA!!!!" "MAMA!!! TULOOONNGGG!!! MAAAAAA!!!!!!!!!!!!!" "HINDI KA NILA MARIRINIG!! AKIN NA ANG BUHAY MOOO!!! MAMAMAT*Y KANAAAA!!!" Buong lakas siyang hinila nang masamang nilalang tapos ay nanlilisik ang kanyang mga mata na sinakmal siya nito sa kanyang mukha at sinakal siya sa kanyang leeg. Isang sakal na sobrang higpit at ramdam ni Enzo ang pagbaon nang mga mahahabang kuko nito sa kanyang balat at naramdaman niya na umagos ang dugo. "WAHAHAHAHAHA!! AKIN KANA!! AKIN KANA!!!!" "T-tuloonggg.. M-maaaaa.." Pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakasakal sa kanya ng masamang nilalang ngunit imbis na makawala ay lalo lang niyang nararamdamdaman ang paghigpit nang pagkakasakmal nito. Nagdidilim na din ang kanyang paningin at hindi na niya magawa pang makahinga. "T-tulong.. Ma--------" "Huy Bunso anong nangyari sa'yo? bakit parang takot na takot ka?" Biglang bungad sa kanya nang kanyang Ate Mitch sa kanyang harapan. "A-Aatteee? Atteee!!!!" Bigla niya itong niyakap ng mahigpit at saka umiyak nang umiyak habang yakap ang ate niya. "Ate, mabuti na lang at dumating ka! Ateeee..." Kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang kanyang Ate at nakakunot ang kanyang noo na tumingin ito sa kanya. "Bunso? Hindi ba kasama kitang natulog? hindi naman ako umalis sa tabi mo ah? Bakit? napano ka ba?" "Ate, may nanggaya sa itsura ko.. nakita ko ang itsura ko, pero iba siya.. parang demonyo siya.. Kinukuha niya ako, dito.. dito mismo sa kwarto koo.. Ate natatakot na ako.." "Diyos ko po!" Niyakap siya nang kanyang Ate at pinakalma siya nito. "Binabangungot ka na naman ba?" Mabilis siyang umiling nang magkakasunod. "Hindi Ate, totoong nangyari eh.. gising pa nga ako! totoo siya Ate, hindi 'yon bangungot!" "Imposible bunso na totoo, kasi magkatabi tayo'ng natulog.. Edi dapat nakita ko din 'yong sinasabi mo... pero wala akong nakita, ano bang nangyayari sa'yo? may ginawa ka ba bunso kaya ka nagkakaganyan? Umamin ka!" "Ate.. natatakot na akoooo.." Nagmistula siyang isang batang maliit nang mga sandali na 'yon habang yakap niya ang kanyang ate at umiiyak. Ramdam pa niya ang takot at nanginginig pa ang kanyang katawan. " Ssshhh.. Tahan na. Bukas sasabihin ko kina Mama na dadalhin ka namin sa Albularyo." "Ate huwag!" biglang tanggi niya na siyang ipinagtaka ng kanyang Ate. "Bakit? para naman matawas ka at nang malaman natin kung nakit ka nagkakaganyan." "Ate, may ginawa ako... Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang buhay ko." Amin niya sa kanyang te.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD