Doppelganger

914 Words
"Ano bang nangyayari sa'yo bunso?" Nasa kwarto ni Enzo ang kanyang Ate Angie at halata ang takot sa mukha nito nang makita niya ang kanyang kapatid sa kama. Nakamulat daw ang kanyang mga mata habang nakahiga atsaka daw siya tumatawa na tila isang dimonyo ngunit hindi naman iyon alam ni Enzo dahil ang alam niya ay natutulog lang siya. Napakunot naman ang noo niya dahil hindi pa naman siya nahihiga sa kanyang kama at kadarating niya ngayon lang. "Paano mangyayari 'yon Ate, eh nasa ibaba pa ako kanina, sino'ng nasa kama ang tinutukoy mo?" "Ikaw nga 'yon. Bigla ka ngang lumabas ng pinto sa kwarto mo tapos ayan pumasok ka ulit." "Pwede ba Ate huwag kang mag hallucinations diyan, ngayon pa lang nga ako pumapasok dito, ulit ulit ka naman eh. Tumigil ka na nga! tinatakot mo lang 'yang sarili mo." "Bunso hindi, totoo, nakita nga kita.. Diyos ko po!" Bigla itong nag sign of the cross. "Huwag naman po sana panginoon, Bunso... magdasal ka bago matulog ha?" "Ate..." biglang napaisip si Enzo kapagkuwan. Nagkaroon siya bigla nang pangamba sa kanyang naisip at nag umpisa na siyang lukuban ng takot. "H-hindi kaya D-doppelganger 'yong nakita mo?" nauutal niyang sabi. Mas lalaong kinakitaan nang pag aalala at takot maging ang kapatid. "Iyon din ang naisip ko bunso, at ang alam ko pag may doppelganger na gumaya sa'yo parang may panganib sa buhay mo." "H-hindi ako natatakot mamatay ate, Bad entities lang sila." Buong lakas niyang sabi kahit na ang dibdib niya ay may takot din. "Basta mag iingat ka, sasamahan muna kitang matulog dito ha? tabi tayo." Hindi na siya umumik pa dahil pabor din naman siya na samahan siya nang ate niya. Mabilis siyang nahiga sa kanyang kama ngunit hindi para matulog. Nagtataka lang kasi siya na simula noong pumasok siya sa lucid dreaming at tinangkang hanapin ang kanyang bestfriend ay puro na kababa;aghan ang nangyayari sa kanya. At ang higit na ikinagugulo nang utak niya ay ang pagpapakita ng kaluluwa ni Jacob sa kanya kahit pa sinabi na nito na iaalis niya ito sa madilim na lugar man siya naroroon. ******* "Kailangan mo nang magmadali Enzo... habang hindi pa huli ang lahat.." Nakapokus ang mga mata ni Mitch sa monitor ng kompyuter habang nagsasalita at nagpapaliwanag kay Enzo. naghahanap pa ito nang karagdagang impormasyon para sa gagawin nila'ng plano. Bawat kababalaghan kasi na nangyayari kay Enzo aty kinukwento niya kay Mitch at updated ito lagi para malaman ang lahat na gagawing hakbang. "Pero Ate Mitch, hindi ba ikaw ang nagsabi na hindi ako pwedeng mag lucid dreaming nang hindi pa talaga ako totally handa?" "HIndi ngayon Enzo, dahil nasa panganib ang buhay mo.. kailangan mong tapusin ang nasimulan mo sa iyong panaginip..." "H-ha? P-panong nasa panganib? Like what? Di ko gets Ate Mitch." Natawa na lang siya but deep inside ay nababahala siya sa mga sinasabi nito. Huminto naman sa pagtipa ng keybord nang kompyuter si Mitch at seryosong bumaling sa kanyang mukha. "Nasundan ka niya Enzo.. At 'yung nagpapakita sa'yo na kaluluwa ni Jacob, hindi si Jacob 'yon.. dahil nakakulong si Jacob, hindi siya pwedeng makalabas at magpakita sa'yo dahil nasa isang tago na lugar ang kanya'ng kaluluwa." Nabitawan ni Enzo ang hawak niyang tasa ng brewed coffee dahil sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala at tina siya nabuhusan ng malamig na tubig nananigas sa kanyang kinauupuan. "I-ibig m-mong s-sabihinnn......." Pinipilit niyang magsalita ngunit tila walang mga salita na gustong lumabas sa kanyang bibig at tila naninigas ang kanyang dila. "Oo Enzo, 'yong madalas nagpapakita sa'yo, 'yong gumagaya sa itsura mo sa bahay n'yo siya din 'yon.. nililinlang niya ang mga taong mahal mo para makuha ang buhay mo...." Mariin siyang napapapikit. Hindi na maiwasang hindi magsisi sa pagtangka niyang pumasok sa lucid dream. Hindi niya alam na magiging ganito ang kahihinantnan ng lahat.. "A-atttte Mitcchhh...." Inabot niya ang kamayng ni Ate Mitch. Nanginginig ang kamay niya na nilalamig ng mga sandali na 'yon. "Anong gagawin ko Ate?" Nais na niyang maiyak ngunit inipit lang n'ya ion sa harapan ni Mitch at tanging paglunok nalang nang laway sa nanunuyo niyang lalamunan ang kanyang ginawa at ang pagkagat nang kanyang ibabang labi upang mapigilan ang kanyang emosyon na huwag maiyak. "Huwag kang mag alala Enzo, hindi kita pababayaan.. tutulungan kita.. pangako. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka at makuha ka n'ya kagaya ni Jacob.." "P-paano Ate kung hindi na ako makalabas?" "Magtiwala ka sa sarili mo'ng kakayahan Enzo, gagabayan kita..." Kumalas si Mitch sa pagkakahawak sa kamay ni Enzo at tumingin sa kawalan. May parang may isang bagay siyang iniisip at inaanalized sa kanyang utak. "Susubukan ko'ng pumasok din sa panaginip mo Enzo, sasamahan kita..." Napaamaang siya sa tinuran ng babae at napabaling ang kanyang ulo sa gawi niya. "P-posible ba 'yon?" "Hindi ako sigurado... pero, ikaw ang pauunahin ko sa panaginip mo, mamaya susubukan kong pumasok kung saan naroon si Jacob, ilarawan mo sa akin kung saan at anong klaseng lugar 'yon para doon ko ituon ang aking imahinasyon." "Pero Ate, ikaw na ang nagsabi na delikado hindi ba?" Ngumiti nang pilit sa kanya si Mitch pagkatapos ay tinapik siya sa kanyang braso. "Huwag kang mag alala Enzo, makaklabas ako, hindi ko naman papasukin talaga, lilobutin ko lang at ikokontrol ko ang isipan ko sa lugar na 'yon.. para kapag kailangan mo ng tulong, sasamahan kita na makapasok doon." "S-salamat Ate..." "Huwag mo akong pasalamatan Enzo, dahil hindi pa tapos ang laban mo.. may naghihintay pa na panganib sa'yo.. kaya mag ingat ka.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD