Preparation

1356 Words
"Kapag bumalik ka ulit doon sa lugar kung nasaan si Jacob, dapat handa na ang sarili mo, kailangan mong kontrolin ng maigi ang emosyon at kaisipan mo," Paliwanag sa kanya ni Mitch. "Pero handa naman ako noong pumasok ako sa lucid Ate, dalawang linggo nga akong nag research tungkol doon eh," "Paano mo nasabi na handa ka? may sapat ka bang tulog noong ginawa mo 'yon? wala ba na kahit anong bumabagabag sa kaisipan mo noong ginawa mo ang lucid? at lastly, nakaya mo bang mag focus at i control ang emotions mo noong pumasok ka at hinanap mo si Jacob?" Napaisip si Enzo, inalala niya lahat ang kanyang ginawa bago siya nag Lucid dreaming. Doon pumasok sa utak niya na halos diretsong isang linggo siya na alas tres nang umaga na lang kung matulog dahil sa kakahanap ng impormasyon sa lucid. Kung nakakatulog naman siya ay nauudlot din ang kanyang pagtulog sapagkat pumapasok sa isipan niya si Jacob at laging nanghihingi ng tulong. "Gano'n po ba 'yon Ate? kailangan ba na sapat ang tulog bago mag Lucid?" "Aba. syempre, kailangan na kumpleto ang tulog mo para hindi ka mahirapan makapag focus sa isang bagay o isang pangyayari na gusto mong gawin at baguhin. Iyon din kasi ang secret para maging aware ka sa lucid dreaming mo, para malaman mo kung tulog ka lang ba, or gising ka or nasa lucid dreams kana. Kailangan mo din ng presence of mind para ma explore mo ang panaginip mo at makabuo ka ng iba pang imaginatiosn mo na siyang makakatulong sa'yo para magawa at maisakatuparan mo ang mga adventures na gagawin mo sa loob ng lucid." "Wow!" namamangha na usal ni Enzo. "Andami mong alam Ate, ilang beses ka na po pumasok sa lucid?" dahil sa kuryosidad ay natanong niya ito sa babaeng kaharap. "Maraming beses na, pero nung muntikan na akong ma stuck sa panaginip ko, hindi na ako sumubok." "Eh kung ganon, sanay ka na pala, bakit hindi mo sinubukan na hanapin si Jacob sa lucid dreaming mo?" "Ginawa ko Enzo, pero bigo ako, tatlong beses akong sumubok. Noong isang gabi na nasa lamay ka niya at sinabi mo na maglu lucid dream ka para makausap si Jacob,ginawa ko na the day na namatay siya, at inulit ko 'yon right after ng libing niya, pero wala.. hindi ko siya nahanap." Yumuko si Ate Mitch at tila nagbabadya na tumulo ang kanyang luha. "Kahit anong hanap ko, hindi siya nagpapakita.. hanggang sa huling subok ko, na stuck ako, hindi ako makagalaw noon, kahit anong sigaw ko, walang nakakarinig sa akin. Buti na lang at nasa tabi ko si Mommy natutulog kaya nagising pa ako." "P-pero bakit sa akin ang dali kong natunton kung nasaan siya?" Bahagya siyang nagulat sa isiniwalat ni Mitch, maging siya din pala ay pareho sila nang intensyon kay Jacob. Pinagkaiba nga lang ay hindi naka engkwentro nang babae ang halimaw na muntik nang maging dahilan ng bangungot niya. "Hindi mo pa siya natunton Enzo, dahil nasa isang tago siyang lugar, isang lugar na nakikita ka niya pero ikaw, hindi mo siya talaga makikita, dahil nasa kamay siya ng halimaw na sinasabi mo." Natahimik si Enzo. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang sasabihin. nag iisip siya ng maaring paraan para mapadali ang paghahanap niya sa kaibigan ngunit walang puamapasok na kung anoman na ideya sa utak niya. "K-kung subukan ko kaya ulit mamaya na mag lucid Ate?" Basag niya sa katahimikan nilang dalawa. "Huwag muna Enzo. " Mariing tanggi nito sa kanyang suhestiyon. "Huwag ka'ng magdesisyon nang hindi ka pa talaga handa. gusto mo ba na maulit sa'yo ang nangyari noong isang gabi? or worst baka hindi ka na magising?" Patuloy nito sa ,ga sinasabi niya. Napalunok siya bigla at tila naumid ang kanyang dila. Bigla siyang natakot nang maalala niya ulit ang nangyari sa kanya sa panaginip niyang iyon. "Kailangan na buo na ang loob mo na pumasok ulit at handa ang puso, isip, utak at emosyon mo na harapin ang halimaw na 'yon para mapagtagumpayan mo ang nais mong gawin. Magpahinga ka muna Enzo. hahanap pa tayo ng paraan para makawala ka sa halimaw at mailigtas mo ang kapatid ko." Pagkatapos nilang mag usap ay hinintay muna ni Enzo na magsara ng cafeteria si Mitch bago siya nito hinatid sa kanilang tahanan gamit ang kotse nito. "I practice mo ang sarili mo na matulog sa tamang oras at magising sa sakto din sa oras. Mag alarm ka at i timer mo ang cellphone mo ng 5 to 6 hours na iyong pag gising hanggang isang linggo. Kapag nasanay mo ang sarili mo, isa iyon sa gagamitin mo upang maging matagumpay ka sa susunod mo na lucid dreaming." Iyon ang ibinilin ni Mitch sa kanya bago siya bumaba ng kotse. "Maraming salamat Ate, mag iingat ka." "Sundin mo lahat ng bilin ko, tatawagan ulit kita." Pinagmasdan muna niya at hinatid sa tingin ang papalayong kotse ng ate ni Jacob bago niya napagpasyahan na pumasok sa loob ng kanilang bahay. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang kanyang ina na hinihintay pala siyang makauwi. "Ano ba ang pinag usapan ninyo ni Michelle anak bakit gabi ka na niyang hinatid?" Hindi niya sinagot ang kanyang Mama at dumiresto lang siyang puamsok. sumulyap siya sa naka sabit na relo sa kanilang dingding. Alas otso pa lang naman ah, Napaka OA naman ni Mama kung makapag sabi ng gabi. Napailing na lang siya habang hinuhubad ang kanyang sapatos. "Kumain ka na ba anak? ipaghahain kita," alok ng Mama niya. "Huwag na po ma, busog pa ako. Bababa na lang ako mamaya para kumain pag nagutom ako." "O s'ya sige, papasok na ako sa silid. Patayin mo mamaya ang mga ilaw ha?" Pagkapasok sa silid ng Mama niya ay siya namang pasok niya sa loob ng banyo para maglinis nang kanyang katawan. Nakasanayan na niya kasi na maglinis muna bago humiga sa kama dahil ayaw niyang madumihan ang kanyang hinhigaan. Napaka metikuloso at malinis niya kasi. Pati nga sarili niya ay hindi niya maintindihan at hindi din niya malaman kung kanino siya nagmana sapagkat hindi naman ganito ang Mama at Papa niya. Natapos na siyang naghilamos at palabas na siya ng banyo. Nasa bungad na siya ng pinto at nagpupunas na siya ng kanyang mukha nang may mahagip siyang isang bulto nang tao na nakatayo sa kanyang harapan. Dahil madilim na at pinatay na niya ang ilaw ay hindi niya gaanong maaninag. Bigla siyang kinilabutan sa kanyang nakita. Kung noong nakaraan ay sa panaginip lang siya nagpapakita, ngayon ay nasa mismong harapan na niya. Ang kaluluwa ni Jacob. Napapikit siya dahil sa takot. pinilit niyang pakalmahin ang sarili at pinigilan ang panginginig nang kanyang katawan. Nakalutang kasi ito at hindi niya maaninag ang mukha ngunit ang mga mata nito ay parang nakatitig sa kanya. Natatakot man ay nilabanan niya ang kanyang narramdaman. Dahan dahan siyang lumapit sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Nang makalapit siya dito ay nabitawan niya ang kanyang hawak na tuwalya dahil sa gulat at pigil ang kanyang pagsigaw dahil ayaw niyang makabulabog pa sa bahay nila. "Enzoooo... tulungan mo ako......" Nagmula kung saan ang boses ni Jacob na napakalamig sa pakiramdam na animo'y nasa kailaliman nang lupa na sumasabay sa lamig nang hangin na umiihip. "J-jacob, I-ikaw b-ba y-yan?" Natatakot man ay pinipilit niyang maging matatag. "Enzooo......" Biglang nagliwanag ang mukha ni Jacob at bumungad sa kanyang paningin ang malungkot na mukha ng kaibigan. Puno nang pighati at kalungkutan ang nasa mata nito habang nakatitig sa kanya. Tila nanigas si Enzo sa kanyang kinatatayuan, tila may yelo na nakayakap sa kanya sa sobrang lamig na kanyang nararamdaman. Mas lalo siyang natakot sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Jacob. kakaiba kumpara doon sa kung paano niya ito nakikita sa kanyang panaginip. "Tulungan mo ako Enzoooo...." Napalunok siya ng laway at pinilit nalabanan ang takot. "P-paano kita matutulungan J-jacob?" "Iligtas mo ako... tulungan mo ako....." Nanlaki ang mga mata ni Enzo nang makita ng kanyang dalawang mata ang biglang paggalaw ni Jacob, nakita niya na inangat nito ang kanyang mga kamay.. at dahan dahan itong lumulutang papalapit sa kanya. "T-tutulungan kita J-jacob..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD