Pinakinggan na mabuti ni Enzo ang tinig na paulit ulit na tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi siya kumbinsido sa kanyang naririnig sapagkat may ibang mga salita na hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin na patuloy din na bumubulomng sa paligid.
"Enzo! halikan dito, puntahan mo akoooo..."
"Jacob?? Jacob ikaw ba 'yan?" Sigaw din niya habang naglalakd sa kadiliman .
"Oo kaibigan, andito ako.. tulungan mo ako.."
"Jacob nasaan ka? magbigay ka nang palatandaan kung nasaan ka'ng lugar para mapuntahan ka namin!"
"Dito Jacob sa kanan mo, dito sa may malapit sa liwanag.."
Lumingon lingon sina Enzo ngunit walang makita siya na liwanag na sinasabi nang kanyang kaibigan, naglakad sila'ng muli sa gitna ng dilim. Isang napakalayong lakaran ang kanilang ginawa hanggang sa may nakita nga silang isang liwanag.
Lumapit sila sa liwanag na iyon, at nang makarating sila ay may nakita siyang isang hulma ng tao na nakaupo lang sa may bahagi nang munting liwanag na iyon...
"Jacob? Ikaw na ba 'yan?"
Walang sagot ang lumabas mula sa tao na naroroon, basta lang itong nakaupo at nakayuko sa kanyang kinalalagyan.
"Enzo, natatakot ako sa posibleng mangyari.." Nangangamba na sambit ni Leonora na nasa tabi pa din ni Enzo.
"Huwag kang mag-alala, walang mangyayaring masama, huwag kang matakot.. kasama mo naman ako,"
"Iba ang pakiramdam ko Enzo, kinakabahan ako.."
"Ako man din ay kinakabahan, ngunit sa ayaw at sa gusto ko, kailangan ko'ng harapin at tapusin ito dahil baka maging kapalit nito ay ang buhay ko.."
"Enzo...."
Hinawakan ng mahigpit ni Enzo ang kamay ni Leonora at saka hinalikan ang kamay nito sabay pinisil.
"Basta kahit ano man ang mangyari, iniibig kita Leonora, at hindi magbabago ang pag ibig ko na iyon sa iyo.. Tandaan mo 'yan.."
Isang puno nang pagmamahal na halik ang iginawad ni Leonora sa kanya.
Nilukuban man siya nang takot pero nagpatuloy siya sa kanyang paglapit, kung gaano katindi ang lakas nang kabog nang kanyang dibdib ay ganoon din katindi ang pagnanais niya na sana ay si Jacob ang tao na naroroon upang magbalik na siya sa reyalidad at matapos na ang kanyang misyon.
Dahan-dahan sila sa kanilang paglapit, at habang papalapit sila ay taimtim na umuusal nang panalangin si Enzo habang ang kanyang dibdib ay puno nang takot at pangamba na sana ay huwag dumating ang halimaw sa kung saan man na siyang nagsisilbing balakid upang mailigtas ang kanyang kaibigan at tuluyan niyang mapalaya ito. Nang tuluyan na siyang maklapit ay tumambad sa kanyang paningin ang nakaka awang itsura nang kanyang kaibigan, puno nang hinagpis ang mukha nito at ang mga mata ay puno nang kalungkutan. Nakatali ang magkabilang kamay nito sa may upuan at ang dalawang paa ay may kadena na may bakal na bola sa magkabila niya'ng paa.
"J-jacob?" Naluluha na anas ni Enzo nang makita ang kanyang kaibigan. Labis ang bigat nang kanyang dibdib nang makita ang kaibigan. Hindi niya akalain na may ganito din pala na senaryo na hindi makawala ang kaluluwa kapag ikaw ay namatay at habang buhay kang makukulong sa kadiliman at hindi mahahanap ang kaluwalhatian kung walang magliligtas sa'yo sa kadiliman na ito.
Kaya pala ganoon na lang kung dalawin ako ni Jacob sa aking panaginip sapagkat sa kanyang nakakahabag na kalagayan na nais maka alis sa ganitong sitwasyon.
"Jacob kaibigan, ako ito si Enzo..."
Unti-unting nag angat nang mukha si Jacob, kapagkuwan ay bumaling sa kanya. Unti unti ay nakita ni Enzo ang pagluwalas nang mukha nang kanyang kaibigan pagkasilay sa kanyang mukha.
"E-enzo? Ikaw na ba iyan kaibigan??"
"Oo Jacob, ako nga.. ililigtas na kita.. makakalaya ka na sa lugar na ito.."
Mabilis na lumapit si Enzo sa kinalalagyan ni Jacob at kinalas ang pagkakatali nang kanyang mga kamay. Pagka kalas ng tali ay mahigpit na niyakap ni Jacob si Enzo kasabay ng pag agos nang mga luha sa mga mata nito.
"Salamat kaibigan at hindi mo pa din ako pinabayaan."
"Wala 'yon Jacob, pero sandali, nasaan ang susi nang kadena? kailangan natin magmadali bago dumating ang halimaw." Natatranta siya habang hinahanap ang susi sa paanan ni Jacob.
"Leonora, tulungan mo akong maghanap!" wika ni Enzo.
"Sino si Leonora Enzo?" Nagtataka na tanong ni Jacob.
"Ang babaeng kasama ko hindi mo ba siya naki---"
Inangat ni Enzo ang kanyang mukha at hinanap niya sa kanyang mga mata at babaeng kanyang mahal.
"N-nasaan siya? nasaan si Leonora, hindi mo ba siya nakita? Kasama ko siyang nagligtas sa'yo."
"Ha? wala kang kasama Enzo, ikaw lang mag isa ang pumunta dito, kaya nga natanong ko kung sino si Leonora."
Iwinaglit muna niya sa isipan ang bagay na iyon at inisip na nasa tabi lang si Leonora at naghihintay sa kanya. Itinuon niya ang kanyang pansin sa paghahanap sa susi sa kadena na nakakapit sa kanyang kaibigan upang tuluyan nang makawala ang kaluluwa nito.
"Wala talaga ang susi, Jacob hindi mo ba alam kung nasaan?"
"Wala akong ideya Enzo pero hindi ba ay panaginip at imahinasyon mo ito? kontrolin mo ang iyong isipan, isipin mo na makakahanap ka nang susi, dalian mo bago pa mahuli ang lahat!"
Mabilis na bumalik sa konsentrasyon si Enzo at ipinasok nga sa kanyang emahinasyon ang tungkol sa susi, ilang saglit lang ay may nakapa siyang susi sa may paanan ni Jacob.
"H-heto Jacob, may susi nga!"
"Bilisan mo Enzo, buksan mo na ang kadena! tumatakbo ang oras bilis! padating na ang halimaw!'
Natataranta man at nanginginig ang kamay ni Enzo dahil sa takot ay inisa isang ipinasok ang mga susi na kanyang hawak at ipinasok iyon sa kadena na nakatali kay Jacob.
"Wala yata dito ang susi nang kadena Jacob! ang dami ko nang nasubukan ngunit hindi pa din nabubuksan."
"Basta subukan mo lahat! Bilisan mo!"
napapalunok na lang si Enzo sa tindi nang kanyang kaba, napapapikit na lang sabay panalangin ang kanyang ginagawa.
Sa gitna nang pagpapalaya niya kay Jacob ay bigla siyang may narinig na sigawan, hindi nya mawari kung saan iyon nanggagaling, isang sigawan na tila may mga takot at may umiiyak.
Bunso! gumising ka! bangon Enzo! labanan mo Enzo!!
Hindi kaya sina Ate iyon at ginigising na ako dahil tapos na ang oras nang aking Lucid dreaming? ngunit hindi pa ako tapos, hindi ko pa tuluyang napapakawalan si Jacob., saglit na lang mga Ate, matatapos ko na to...
Huling susi na ang kanyang hawak pero hindi pa din nakakawala si Jacob,
"Enzo bilis! Ayan na ang halimaw!! Padating na siyaaa!!" Puno nang takot ang sigaw ni Jacob habang nakatingin sa paparating na halimaw.
"AT ANO ANG TANGKA MONG GAWIN BATAAA??!!! PAPATAY*N DIN KITA!!!!" Umaalingawngaw ang nakakapangilabot na sigaw nang halimaw habang papalapit sa kinaroroonan nila.
Mas lalong tumindi ang takot ni Enzo, mas lalo siyang nanginig nang kamay habang ipinapasok ang susi sa lock. Nawawalan na siya nang pag asa, pero alam niya na makakayanan niya ito. Pumikit siya ulit, habang nakasuksok ang pinaka huling susi sa lock nang kadena ay ipinasok ni Enzo sa kanyang imahinasyon na magbubukas ang lock, napalunok siya habang unti unti niyang pinipihit ang susi..
hanggang sa......
"nabuksan ko!! Jacob! nabuksan ko!! malaya ka na!!!"